Categories: News

Rico Blanco, bar owner, 4 pa inasunto sa droga

NAKAKOMPISKA ng shabu, cocaine, marijuana at drug paraphernalia ang mga awtoridad sa Times Bar nang pasukin muli ng mga tauhan ng National Capital Region Police Of­fice at Makati City Police, kahapon ng umaga.

Sa bisa ng search war­rant, muling pinasok at ginalugad ng mga awto­ridad ang loob ng high end bar para mabuksan ang dalawang vault sa opisina ng manager na si Danilo Regino.

Kabilang sa mga pu­masok sa naturang bar dakong 10:00 am sina NCRPO director, C/Supt. Guillermo Eleazar; SPD director, C/Supt. Tomas Apolinario, at Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon.

Kabilang sa nakuha ang 17 pekete ng hini­hinalang shabu, dala­wang pakete ng cocaine, isang pakete ng mari­juana at isang improvised tooter.

Habang nakuha sa dalawang vault ang isang tooter, isang pakete ng coicane, isang pakete ng shabu at 15 sobre na may lamang umaabot sa P250,000 cash.

Dalawang oras hina­lug­hog ng mga awtoridad ang Times Bar sa Makati Avenue, Makati City.

Sinabi ni Eleazar, may limang taon nang naipa­sara ang bar ngunit mu­ling nabuksan nang mag­karoon ng pagbabago sa management.

Dagdag ng NCRPO chief, anim katao ang kanilang sinampahan ng kaso kabilang ang singer na si Rico Blanco, at sina Amparo Primero, Ryan Gomintong Ladrillo, Cynthia Primero, Burton Joseph Server, ang may-ari ng bar, at ang manager na si Regino.

Ayon sa opisyal, ni­tong Miyerkoles isi­nampa ang mga kasong pagla­bag sa Section 7, 5,11 at 6 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Danger­ous Drug Act of 2002  sa Makati Prosecutor’s Office laban sa anim na nabanggit at 25 pang empleyado na pawang mga waiter, bouncer at receptionists ng nasabing Bar.

Nitong 11 Agosto, Sabado, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police sa nasabing bar, nagresulta sa pagkaka­kompiska sa iba’t ibang uri ng droga kabilang ang ilang sachet ng cocaine, shabu, ecstasy, at pina­tuyong marijuana, ha­bang 57 dayuhan at 32 local guest ang kanilang naabutan sa loob ng bar.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS
Jaja Garcia

Share
Published by
Jaja Garcia

Recent Posts

GRO ‘di natikman videoke bar niratrat 4 patay (Sa Cagayan)

APAT katao ang patay makaraan pag­babarilin ng mga suspek ang isang videoke bar nang hindi pumayag na makipagtalik sa kanila…

9 hours ago

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

10 hours ago

51 container vans ng basura mula sa South Korea itinambak sa PH?

HETO na naman, sanrekwang basura na naman ang dumating sa bansa sa pamamagitan ng mga container port. Kung dati ay…

10 hours ago

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

18 hours ago

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong, Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo. Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo…

18 hours ago

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang…

18 hours ago