Categories: Opinion

Masisibak si Erap

MUKHANG may ‘tulog’ si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa darating na 2019 elections. Ang dating Erap na malakas sa masa noon, mukhang naglaho na, at malamang talunin ng kanyang mga katunggali.

Sa ilang taong pagseserbisyo ni Erap bilang mayor, tahasang masasabing napabayaan ni Erap ang Maynila. Walang tunay na maipagma­malaking achievement itong si mayor kung susu­riing mabuti ang kanyang naging performance sa nakalipas na halos anim na taong panunung­kulan sa Maynila.

Kung mayroon mang maipagmamalaki itong si Erap, ito ay walang iba kundi ang malaganap na kahirapan sa lungsod na kanyang pinamu­mu­nuan. Ang mga iskwater na noon ay marami na ay lalo pang dumami kasabay nang pagdami ng mga basura sa bawat sulok ng Maynila.

Ang prostitusyon, ilegal na droga at sugal ay patuloy rin na namamayagpag sa ilalim ng administrasyon ni Erap. At sa harap mismo ng Manila city hall, naglipana ang mga pulubi, kabi­lang na ang hindi masawatang mga mandu­rukot at holdaper.

Pati ang business community sa Maynila ay kalaban din si Erap dahil sa mga pagbubuwis na mataas. Katunayan nitong nakaraang eleksiyon maliit na boto lamang ang nakuha ni Erap sa mga negosyante.

Sa ganitong sitwasyon, hindi natin alam kung saan kukuha ng suporta si Erap sa Maynila sa darating na halalan. Wala nang ‘kinang’ si “Erap para sa mahirap,” at malamang na ilampaso siya ng kanyang mga makakalaban gaya nina Isko Moreno, Rep. Lito Atienza at dating mayor Alfredo Lim.

Nito lamang nakaraang eleksiyon ng Liga ng mga Barangay, inilampaso ng grupo ni Isko ang mga kandidato ni Erap.  Sa laban ng pam­pangu­luhan, nanalo si Chairwoman Lei Lacuna, saman­tala ang kandidato ni Erap na si Mon Yupangco ay tinambakan ng boto.

Sa mga opisyal ng Liga ng mga Barangay, si Chairman Nelson Ty na tumakbo bilang auditor, ang bukod tanging nakalusot sa grupo ni Erap. Sa eleksiyon pa lamang ng Liga ng mga Barangay, makikita na kung gaano inaayawan si Erap ng mga barangay chairman sa Maynila.

Sinasabi ng marami na ang naging resulta ng eleksiyon sa Liga ng mga Barangay ay baro­metro ng magiging resulta ng darating na mayo­ralty race sa Maynila sa 2019. Kung panini­walaan ang batayang ito, tamang sabihin na tiyak na ang pagkatalo ni Erap sa kanyang reelection bid.

Mabigat na magiging kalaban ni Erap si Isko. Personal kasi ang labang ito ni Isko dahil sa ginawang ‘sipang pataas’ sa kanya ni Erap.

Matatandaan na sinulsulan nitong si Erap si Isko na tumakbo bilang senador noong nakaraang 2016 elections at sa kalagitnaan ng laban ay iniwan siya sa ere ng alkalde.

Kung tutuusin, mayroong pinaghuhugutang galit itong si Isko laban kay Erap.  Kasi nga, hindi tinupad ni Erap ang pangako na isang termino lang siya sa pagkaalkalde at ibibigay ang trono kay Isko. Natsubibo, at hindi po alam ni Isko ‘yun!

SIPAT
ni Mat Vicencio

COMMENTS
Mat Vicencio

Share
Published by
Mat Vicencio

Recent Posts

Happiest Birthday to you, Ms. Grazie!

Our dearest Ms. Grazie, You are a graceful traveler in this world full of adventure. You are not afraid to…

3 hours ago

Pagka-maldita ng 2 aktres, nag-mellow na

NAOOEYAN ang madlang pipol sa drama ng dalawang sikat na aktresang itey na super close kuno ngayon, pero saan ka,…

3 hours ago

Rhian, may ipinangako kay JM

NANGAKO si Rhian Ramos kay JM de Guzman na lagi siyang nariyan para sa aktor matapos silang makabuo ng magandang pagkakaibigan mula sa…

3 hours ago

Kris, mas prioridad ngayon ang kalusugan

MAS pinapahalagahan ngayon ni Kris Aquino ang kanyang kalusugan matapos ang pinagdaanan sa nakaraang health condition dulot ng sakit na Chronic Spontaneous…

3 hours ago

Alden, nanindigan: ‘Di pa buwag ang AlDub!

NGAYONG Biyernes, November 16, magtatapos ang pinagbibidahang primetime series ni Alden Richards, ang Victor Magtanggol. Dahil sa AlDub, naging maingat na si Alden…

3 hours ago

Andrea, tinantanan na ng bashers

RAMDAM ni Andrea Torres na nababa­wasan na ang mga basher niya; nagsimulang dumami ang mga basher niya nang isama siya sa Victor Magtanggol.…

4 hours ago