Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Plunder vs Teo, Tulfo brothers tiniyak ni Trillanes
Plunder vs Teo, Tulfo brothers tiniyak ni Trillanes

Plunder vs Teo, Tulfo brothers tiniyak ni Trillanes

TINIYAK ni Senador An­to­nio Trillanes IV nitong Miyerkoles, ang paghah­ain ng kasong plunder laban kay dating Tourism Secretary Wan­da Teo at media person­alities na sina Ben at Erwin Tulfo hinggil sa kont­robersiyal na mahigit P60 milyon advertising controversy.

Ang magkakapatid ay humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes upang pabulaanan ang alegasyon na sila ay nakagawa ng “conflict of interest” nang ang

READ MORE:  Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution

Department of Tour­ism (DOT), sa pangu­nguna ni Teo, ay nagba-y­ad ng P60 milyon sa ad­vertising fees sa state television blocktimer “Ki­los Pronto” na host ang magkapatid na sina Ben at Erwin.

“Walang basehan kung bakit sila maglal­a-gay ng advertisement sa isang programa na maba­ba ang rating,” ayon kay Trillanes.

“Hindi rin kapani-paniwala ang alibi ni former DOT Secretary Teo na hindi niya alam na ang kanyang sariling kapatid na si Ben Tulfo ang may-ari ng Kilos Pronto,” ayon sa senador.

READ MORE:  79-anyos lola pinatay anak, 2 apo arestado (Napagkamalan na aswang)

Ang plunder case ay ihahain din kay Erwin bagama’t sinabi niya sa mga senador na emple­yado lamang siya ng programa.

“Napaamin si Erwin Tulfo na nakinabang siya sa transaksiyong ito dahil siya ay kumikita ng P150,000 suweldo kada episode o mahigit P3 milyon kada buwan,” ayon kay Trillanes.

READ MORE:  90,000 PCOS ibebenta ng Comelec (Kahit may nakabinbing election protests)

Nauna rito, tiniyak ng TV at radio host sa mga senador na handa ang kanilang pamilya na harapin ang mga kasong ihahain laban sa kanila.

Tumanggi ang pamil­yang ibalik ang P60 milyon advertising funds sa gobyerno.

“Returning the money is tantamount to saying that we did something illegal,” pahayag ni Ben Tulfo sa mga senador.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved