Categories: News

Killer ng Grab driver nakapuga sa Pasay City Jail

NAKATAKAS mula sa Pasay City Jail ang 26-anyos suspek sa pagpat­ay sa isang Grab driver, makaraan sirain ang kisa­me ng bodega sa ikaapat palapag ng piitan sa lungsod, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Jail Warden, Jail Supt. Bernie Ruiz ang nakapu­gang preso na si Narc Delemios, miyembro ng Batang City Jail, may kasong  carnapping, rob­bery with homicide at murder.

Sa ulat ni S/Insp. Orlando Alicante, deputy warden kay Jail Warden Supt. Ruiz , dakong 8:05 pm nang makatakas si Delimios matapos tukla­pin ang kisame ng bodega sa ika-apat na palapag na pinagkukulungan sa mga miyembro ng BCJ.

Ayon kay Alicante, nadiskobre nila ang pagpuga ni Delimios nang makitang wasak na ang kandado ng bodega, at baklas ang plywood ng kisame na pinagdaanan ng nasabing preso.

Dali-daling nagsaga­wa ng headcount ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) sa naturang ku­lun­gan at dito nakom­pirma ang pagtakas ni Delimios.

Dumaan umano sa bubungan ang suspek at lumipat sa katabing bu­bong ng Pasay City West High School hanggang makatakas.

Nagsagawa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng BJMP at tinungo ang bahay ng kanyang mga magulang at asawa sa Don Carlos St., Brgy. 148, Zone 16 ng lungsod ngunit wala roon ang suspek.

Kinausap ng mga opisyal ng BJMP ang magulang ni Delimios na sina Narciso at Nancy, at misis niyang si Giselle, para ipaalam sa kanila ang pagpuga ng kanilang kaanak.

Nangako ang pamilya ni Delemios na makiki­pagt­ulungan sila sa mga awtoridad at sinabing sakaling magtungo sa kanilang bahay ang pu­gante ay agad nilang ipababatid.

Bumuo na ang BJMP ng tracking team upang tugisin at hulihin si Deli­mios.

Sangkot umano si Delimios sa pangho­holdap, pagkarnap at pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato, Jr., 37, residente sa Tan­dang Sora, Quezon City, noong 25 Oktubre 2017.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS
Jaja Garcia

Share
Published by
Jaja Garcia

Recent Posts

Witnesses sa Maguindanao Massacre nag-atrasan nga ba?

IPINAKAKAON ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang prosecution panel na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre laban sa pamilya…

5 hours ago

Survey ng Pulse Asia para sa senatorial race same old names same old faces

HINDI na tayo nagtataka kung muling naging No. 1 sa survey si Senator Grace Poe, malakas pa rin ang magic…

5 hours ago

Witnesses sa Maguindanao Massacre nag-atrasan nga ba?

IPINAKAKAON ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang prosecution panel na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre laban sa pamilya…

5 hours ago

Palakpakan sa gera vs droga

KUNG mayroong isang bagay na labis na ikinatutuwa ng mamamayan, at ikinaiinis naman ng oposisyon, ito ay walang iba kundi…

1 day ago

“The Story of My Life…”

ESSAY type writing and the likes, ang masasabi kong isa sa pinakaayaw ng aking baby, Alberta Kristea (aka Tea), 11-anyos,…

1 day ago

Problemang paradahan

HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang laba­nan ang trapiko, mapa­luwag ang mga lan­sangan at maalis ang mga…

1 day ago