Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Killer ng Grab driver nakapuga sa Pasay City Jail
Killer ng Grab driver nakapuga sa Pasay City Jail

Killer ng Grab driver nakapuga sa Pasay City Jail

NAKATAKAS mula sa Pasay City Jail ang 26-anyos suspek sa pagpat­ay sa isang Grab driver, makaraan sirain ang kisa­me ng bodega sa ikaapat palapag ng piitan sa lungsod, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Jail Warden, Jail Supt. Bernie Ruiz ang nakapu­gang preso na si Narc Delemios, miyembro ng Batang City Jail, may kasong  carnapping, rob­bery with homicide at murder.

Sa ulat ni S/Insp. Orlando Alicante, deputy warden kay Jail Warden Supt. Ruiz , dakong 8:05 pm nang makatakas si Delimios matapos tukla­pin ang kisame ng bodega sa ika-apat na palapag na pinagkukulungan sa mga miyembro ng BCJ.

READ MORE:  Ginang niratrat sa ‘huling hapunan’

Ayon kay Alicante, nadiskobre nila ang pagpuga ni Delimios nang makitang wasak na ang kandado ng bodega, at baklas ang plywood ng kisame na pinagdaanan ng nasabing preso.

Dali-daling nagsaga­wa ng headcount ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) sa naturang ku­lun­gan at dito nakom­pirma ang pagtakas ni Delimios.

READ MORE:  Pasahe P8.50 na

Dumaan umano sa bubungan ang suspek at lumipat sa katabing bu­bong ng Pasay City West High School hanggang makatakas.

Nagsagawa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng BJMP at tinungo ang bahay ng kanyang mga magulang at asawa sa Don Carlos St., Brgy. 148, Zone 16 ng lungsod ngunit wala roon ang suspek.

Kinausap ng mga opisyal ng BJMP ang magulang ni Delimios na sina Narciso at Nancy, at misis niyang si Giselle, para ipaalam sa kanila ang pagpuga ng kanilang kaanak.

READ MORE:  Tisoy patay sa dyowang private tutor

Nangako ang pamilya ni Delemios na makiki­pagt­ulungan sila sa mga awtoridad at sinabing sakaling magtungo sa kanilang bahay ang pu­gante ay agad nilang ipababatid.

Bumuo na ang BJMP ng tracking team upang tugisin at hulihin si Deli­mios.

Sangkot umano si Delimios sa pangho­holdap, pagkarnap at pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato, Jr., 37, residente sa Tan­dang Sora, Quezon City, noong 25 Oktubre 2017.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved