Categories: News

‘Illegal’ broadcasters target ng KBP, NTC

MULING nagsanib-puwersa ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Telecom­munications Commission (NTC) para labanan ang inaasahang paglipana ng mga ilegal na broadcast station sa bansa ngayong papalapit na ang midterm election.

Noong 2017, umabot sa 2,054 kaso laban sa mga ilegal na broadcast station ang naitala ng Broadcast Services Divi­sion ng NTC, ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Maliban sa ilang kaso, ang mga nasabing admi­nis­trative complaint na may kaugnayan sa pag­la­bag ng mga hindi lisen­siyadong estasyon ng radyo ay mismong ang NTC ang nagpasimula ng imbestigasyon.

“Ngayon ay 2018 na at karaniwang naglipana ang mga ilegal na broad­cast station bago ang eleksiyon sa Mayo sa susunod na taon,” ani Erwin V. Galang, pinuno ng technical committee at trustee ng KBP.

“Muling nakikipag­tulungan ang KBP sa NTC para masigurong walang ilegal na estasyon na mag-o-operate. Dahil sa ating partnership sa NTC, maraming paglabag ng mga ilegal na radio station ang nasusugpo. Basta po mapadalhan ng cease and desist order ng NTC ay bigla na lamang tumitigil ang kanilang operasyon at kusang naglalaho.”

Sa ilalim ng mandato ng NTC, ang ahensiya ay nagpapasimuno ng ka­song may cease-and-desist order at show cause order laban sa mga ilegal na broadcast station na karaniwang bumubuo sa malaking bahagi ng mga kasong administratibo na hawak sa NTC.

Ayon kay Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, ang mga nau­nang kooperasyon ng NTC at KBP ay nagdulot ng pagsugpo sa mga tinatawag na fly-by-night broadcast station, lalo sa mga lalawigan, na patu­loy na bumibiktima sa mga kandidato na bumili ng airtime para sa kani­lang political ad.

Karaniwang naglala­ho ang mga ilegal na brodkaster matapos ma­ka­tanggap ng bayad para sa nasabing mga ad.

“Karaniwang lumala­ki ang bilang ng mga kaso ng broadcast services kaugnay ng mga ilegal na brodkaster tuwing dara­ting ang panahon ng kam­panya. Ang ginagawa natin ay agaran tayong nag­lalabas ng cease-and-desist at show cause order laban sa mga ilegal na brodkaster na nagtu­tulak sa kanila na mag­sara, samantala ang iba ay bigla na lamang nag­lalaho,” paliwanag ni Cabarios.

Kinompirma rin ni COA Auditor Ma. Jocelyn Factora, ang resident COA auditor noong 2017, na halos lahat ng mga kasong administratibo na hawak ng NTC ay laban sa mga ilegal na broad­cast station at hindi tung­kol sa reklamo ng mga telco consumer.

“Ilan lamang ang mga kasong may kaugna­yan sa telco,” ani Factora.

Hanggang nitong Disyembre 2017, may 148 na telco consumer cases ang inihain sa NTC Legal Office na kasalukuyang nirerepaso at ginagawan ng resolusyon.

“Sa pamamagitan ng ugnayan natin sa KBP ay kompiyansa tayong mala­la­banan natin ang pagla­ganap ng mga hindi lisen­siyadong broadcast station na nakikipag­kom­petensya sa mga lehiti­mong broadcast station,” giit ni Cabarios.

ni Gerry Baldo

COMMENTS
Gerry Baldo

Share
Published by
Gerry Baldo

Recent Posts

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos…

2 days ago

Racasa sasabak sa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang…

2 days ago

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa…

2 days ago

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig. Ayon kay Davao…

2 days ago

Magulang sinaksak ng anak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa…

2 days ago

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad…

2 days ago