Categories: Showbiz

Gladys at Imee, malapit sa isa’t isa

BAWAL sa mga Kapatid natin sa INC na pumasok sa politika o mag-endoso ng isang politiko, kaya huwag sanang bigyan ng kakaibang kahulugan ang presence ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa isang event na may larawan pa sila ni Gladys Reyes.

Dahil naging panauhin ni Gladys si Imee sa kanyang programang Moments (sa Net 25) ay doon na nagsimula ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.

Pinaunlakan ni Imee ang paanyaya ni Gladys na siya ang mag-cut ng ceremonial ribbon nang pasinayaan (nitong July 31) ang Estela Restaurant, na pag-aari ng kanyang kabiyak na si Christopher Rojas at lima pang kasosyo.

Si Gladys ang may hawak ng PR at marketing side ng kabubukas pa lang na resto sa Brickroad, tapat ng Sta. Lucia East sa Cainta, Rizal.

It is of interest to note na ang kitchen consultant cum chef ng Estela ay ang character actor na si Victor Neri, dating nakasama ni Christopher sa Ang TV noon ng ABS-CBN.

At take note, may isang house specialty sa Estela na nagmula sa idea ng panganay nina Christopher at Gladys na si Christophe. Patok ito sa mga bagets at bongga ang serving.

Bilib din naman kami sa pinagkukunan ng physical energy ni Gladys. She’s one who wears many hats, ‘ika nga.

Bukod sa pag-arte ay sabay-sabay niyang nagagampanan ang pagiging MTRCB board member, businesswoman via her Gladys Skin Care (sa tulong ng kanyang kapatid na si Janice), maybahay ni Chris at ina ng apat na magaganda’t malulusog na supling.

(RONNIE CARRASCO III)

COMMENTS
Ronnie Carrasco III

Share
Published by
Ronnie Carrasco III

Recent Posts

11 patay, 60 missing sa Cebu landslide

UMABOT na sa 11 katao ang kom­pir­madong namatay habang 60 ang nawawala sa pagguho ng bahagi ng isang bundok sa…

2 hours ago

Ken, na-pressure kina Miguel at Kris; aminadong nahirapan sa bagong serye

AMINADO si Ken Chan na mas hirap siya sa papel niya bilang Boyet sa My Special Tatay kaysa papel niya…

9 hours ago

Nadine, tumulong na, na-bash pa

WALA na talagang pinatatawad ang mga basher dahil kahit ang simpleng pagtulong sa mga nangangailangan ng mga artista ay bina-bash…

9 hours ago

Gabby, allergic pag-usapan si Sharon

NO reaction at ayaw magbigay ng komento ang mahusay na actor na si Gabby Concepcion kapag itinatanong si Sharon Cuneta.…

9 hours ago

‘Pagtakbo’ ni Dingdong, kinompirma ni Marian

SIGAW sa dyaryo, sasa­mahan ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes sa pagtakbo.  Kaya marami ang nag-isip na papasok na ang aktor sa…

9 hours ago

Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano

KUNG si Coco Martin ang masusunod, gusto nitong magkaroon ng special appearance si Maine Mendoza sa FPJ’s Ang Probinsyano para…

9 hours ago