Categories: Opinion

DOLE, DTI inutil

ANO NA? Tila napako na yata ang Department of Labor sa mga pa­nga­ko nito na magbibigay ng umento sa sahod ng a­ting mga minimum wage earner bunsod na rin sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hanggang ngayon ay nakapako pa rin sa P512 ang arawang suweldo ng mga manggagawa, pero kung tutuusin, ayon na rin sa ilang labor group sa bansa, ang aktuwal na halaga na lamang nito ay nasa P350.

Ibig sabihin, wala na talagang mabibili ang P512 na suweldo dahil sa taas ng mga bilihin dulot na rin ng masamang epekto ng Train law. Sa madaling salita, mahinang-mahina ang buying o purchasing power ng ating piso na patuloy na nagpapahirap sa ating mga manggagawa.

Ang masakit pa nito, tila hindi natin makitaan ng pag­ma­malasakit ang ating pamahalaan, lalo na ang mga ahensiyang gaya Department of Trade and Industry na dapat ay nanga­ngalaga sa kapakanan ng mga consumer.

Kaya nga, huwag na nating hintayin pa na dumating ang panahon na kumilos ang taong bayansabay-sabay na lumabas sa kanilang mga tahanan, mag-alsa at lumahok sa mga protesta na magbibigay-daan para mapatalsik si Pangulong Duterte.

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Daniel, KZ, at Jameson, target ni Jermae Yape

SI Daniel Padilla ang gustong maka-collaborate sa isang kanta ng model/singer/actress na si Jermae Yape na naglunsad ng kanyang first…

2 hours ago

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

ALIW at shock kami sa mga linya nina JM De Guzman at Rhian Ramos sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala…

3 hours ago

Coco, 3 beses nang tinapatan (pero ‘di matalo-talo) ni Dingdong

SA showbiz events na dinaluhan namin nitong nakaraang araw ay pinag-uusapan ng mga katoto ang pagtatapos ng Victor Magtanggol at…

3 hours ago

Dianne Medina, bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents & Oils Shop

ANG actress-TV host na si Dianne Medina ang bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents and Oils Shop. Ginanap ang contract signing ng…

3 hours ago

Quinn Carillo after Codep, may bagong pelikula!

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Quinn Carillo na kabilang sa grupong Belladonnas. Ito ay binubuo ng seven…

3 hours ago

Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines

MALAPIT sa puso ni Christian Bables ang comedy dahil natural siyang komedyante. Ayon kay Christian na pagbibidahan ang isang romantic…

3 hours ago