Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Perla Bautista, masaya na muling nagbida sa pelikula
Perla Bautista, masaya na muling nagbida sa pelikula

Perla Bautista, masaya na muling nagbida sa pelikula

READ: MNL 48 Top 16, di lang pang-‘Pinas, pang International pa

THANKFUL ang beteranang aktres na si Perla Bautista dahil nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa film entry ng CineKo at Cleverminds Production sa Cinemalaya 2018, ang Kung Paano Hihihtayin ang Dapit Hapon kabituin sina Dante Rivero at Menggie Cubarubias.

Kuwento ng beteranang aktres, pabata ng pabata ang mga bida. ”Happy naman ako sa support pero iba rin ang fulfillment na at this age, may mga dumarating pang mga lead role, kaya naman I’m very grateful for this blessing.” 

Ang pelikula ay tungkol sa isang matandang babae na nagmahal, nasaktan, nagpatawad ng dalawang matandang lalaki na ang isa ay nang-iwan, samantalang ang isa naman ay nagmahal ng buong-buo at walang pag-aalinlangan.

READ MORE:  Aktor, kung kani-kaninong bading na nagkaroon ng affair
READ MORE:  The Significant Other, hataw sa takilya!

Ang Papano Hihintayin ng Dapithapon ay ang pelikulang may komedya, drama, at punompuno ng pag-ibig, at aral.

Ayon pa kay Perla, ayaw niyang mag-expect na manalo ng award para sa Cinemalaya movie ni Carlo Encisu Catu (Ari: My Life with the King).

“Basta ako, ginagawa ko lang ang trabaho. Kung mapansin, salamat. Kung hindi naman, ang pinaka-reward ko na ay iyong naibigay ko nang husto ang dedikasyon ko sa trabaho ko.” 

“Lahat naman, nangyayari in God’s perfect time. Kailangan lang nating maghintay,” pagtatapos ni Ms. Perla.

READ MORE:  Pakakasalang babae ni Dennis, nakita na

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved