Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / PDEA, BoC magkasalungat sa drug smuggling sa magnetic lifters

PDEA, BoC magkasalungat sa drug smuggling sa magnetic lifters

READ: Nakalusot na ‘P6.8-B shabu’ espekulasyon — Palasyo

PORMAL na isinumite ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña kay PDEA Director General Aaron Aquino ang 500 kilo ng shabu, tinatayang P4.3 bilyon ang halaga, na nakalagay sa dalawang magnetic lifter mula sa bansang Malaysia, makaraan masabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs Manila International Container Port (MICP) District Collector Atty. Vener Baquiran dahil sa misdeclaration ng shipment. (BONG SON)

MAGKASALUNGAT ang posisyon ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Bureau of Customs, sa kontrobersiyal na smug­gling ng magnetic lifters na sinabing naglalaman ng 1000 kilo ng drugs sa halagang P6.8 bilyon.

READ MORE:  P15.5-M ilegal na droga at damo nasabat sa NAIA

Sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, iginiit ni PDEA officer-in-charge Deputy Director General for Operation Atty. Ruel Lasala na ang magnetic lifters ay naglalaman ng ilegal na droga.

READ MORE:  Mag-utol timbog sa P7.2-M shabu mula Malaysia

Lahat ng indikasyon at sirkumstansiya ay nagsasabi na droga ang laman ng magnetic lifters, ani Lasala.

Nagsagawa ng ins­pek­siyon ang PDEA sa magnetic lifters na natag­puan sa General Mariano Alvarez sa Cavite bago magpasya na may bakas ng ilegal na droga ang mga kagamitan.

READ MORE:  Ex-parak tiklo sa P430-K shabu (Tangkang manuhol)

Ayon kay Barbers, mahirap paniwalaan na walang kinalaman ang mga corrupt na opisyal ng Customs sa pagpu­puslit ng mga droga.

Nauna nang sinabi ni Marikina City Rep. Ro­mero Quimbo, sa kabila ng malaking pondo na ibinigay sa customs at sa PDEA, nakalulusot pa rin ang napakalaking halaga ng droga.

Pinabulaanan ni Customs Chief Isidro Lapeña na may bakas ng droga ang magnetic lift­ers.

Ani Lapeña, walang bakas ng droga ang mga lifter pakatapos ng ins­pek­siyon.

Dapat aniya maging maingat ang mga awto­ridad sa paglalabas ng hindi beripikadong im­pormasyon.

(Gerry Baldo)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved