Categories: Showbiz

Klaudia Koronel, wish muling makatrabaho sina Michael V. at Joey de Leon

READ: Rochelle and Jimwell, bagong business ang Skinfrolic by BeauteDerm

MAGBABAKASYON sa Filipi­nas ang dating aktres na si Klaudia Koronel. Habang nasa bansa ay gustong saman­ta­lahin ni Klaudia ang pagka­kataon upang muling sumabak sa pag-arte.

Noong late 90s, isa si Klaudia sa pambatong stars ng Seiko Films ni Robbie Tan. Mula sa paggawa ng ST or Sex Trip movies, gumawa si Klaudia ng mga pelikula sa Regal Films at nagmarka sa pelikulang Live Show na nakakuha siya ng nominasyon as Best Supporting Actress sa Gawad Urian.

Sumabak din si Klaudia sa sitcom na Kiss Muna ng GMA-7 bilang isa sa leading leadies ni Joey de Leon at naging semi-re­gular sa Bubble Gang. Naging bahagi rin siya ng seryeng Mga  Anghel na Walang La­ngit ng ABS CBN noong 2005.

Eight years nang naninirahan si Klaudia sa US, iniwan niya noon ang showbiz upang ipag­pa­tuloy ang pag-aaral ng kolehiyo. Ngayon ay may pamilya na siya at amina­dong bukod sa anak na 12 year old, miss na niya ang mundo ng showbiz.

Pakli ni Klaudia, “May nagka-interes sa condo ko sa The Fort, I have to let go dahil hindi ko naman naaasikaso dahil malayo ako.

“May gagawin nga akong indie film dito sa US and I think ‘pag naayos na papers ko rito, babalik ako paminsan-minsan diyan, kasi talagang nami-miss ko ‘yung pag-acting. Iyon siguro talaga kung bakit napansin ko ‘yung mga nag-aartista na nagpunta rito sa US e, bumabalik sila riyan, kasi kung talagang ‘yon ‘yung original work mo, haha­nap-hanapin din ng katawan mo ang pag-aartista.”

Ayon pa kay Klaudia, na-miss niya nang husto ang pagsa­bak sa comedy at drama. ”Dati ‘di ko nare-realize ‘yung mga kasama kong mga sikat, like sa Channel 7, sa Bubble Gang, sina Ogie Alcasid at Michael V., sina Joey de Leon. Parang normal lang silang katrabaho, pero nga­yon na-realize ko, nakaka-miss din pala na makasama sila na mga institusyon na sa showbiz.

“Sana ay makatrabaho ko ulit sila…Wish ko rin na maka-acting ulit sa drama like sa Maalaala Mo Kaya? at sa Magpa­kailanman.

“Pinak-miss ko ‘yung mga nakatrabaho ko sa showbiz, lalo na sa ABS CBN at GMA-7. Iyon ‘yung good memories ko sa showbiz, magagaling na direktor na nakasama ko, mga manager ko na nag-alaga sa akin, maba­bait na reporters na tumutulong sa akin, noong na-discover nila na may talent pala ako sa comedy, sa drama, sa action, na puwede pala akong maging kontrabida, puwedeng bida. Ang nakatutuwa, pati pagkanta, kailangan subukan, hahaha! Nakita ko rin na may talent pala akong sumayaw,” saad pa ni Klaudia.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS
Nonie Nicasio

View Comments

Share
Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

Shop the world’s top beauty brands at the Globe Online Beauty Fair

DO you wish you were abroad so you could snag a cult favorite makeup product or grab hot new arrivals…

35 mins ago

Mocha, blogger inasunto sa sign language video

SINAMPAHAN ng kaso nitong Huwebes ng mga miyembro at kaalyado ng komunidad ng Persons With Disabilities (PWD) sina Communications Assistant…

43 mins ago

Ombudsman hahayaan ng Palasyong sibakin si Mocha

TINIYAK ng Palasyo na susunod kapag iniutos ng Office of the Ombuds­man na sibakin si Com­munications Assistant Secretary Mocha Uson…

57 mins ago

2 akyat-bahay todas sa shootout

PATAY ang dalawang hinihinalang akyat bahay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station…

1 hour ago

Mahimbing at masarap na tulog sa gabi dahil sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Dante Santillan. Ipapatotoo ko lang po ang problema ko sa buhay ko,…

1 hour ago

Gay comedian, feeling VIP

IPINAGPAPASALAMAT ng isang grupo ng mga baklang show promoter ang pagiging abala na ngayon ng isang gay comedian sa ibang larangan. Isinusumpa…

1 hour ago