Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 bata, ginang patay sa sunog sa Tondo

4 bata, ginang patay sa sunog sa Tondo

SUNOG na sunog at hindi na makilala ang limang biktima (4 bata at isang ginang) ng sunog sa C.P. Garcia at Sampaloc streets sa Tondo, Maynila na umabot sa ikalawang alarma kahapon ng hapon. (BONG SON)

LIMA ang kompirma­dong patay makaraan matupok ang apat pa­lapag na paupahan sa Tondo, Maynila, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Fire Senior Inspector Reden Alumno, hepe ng Inves­tigation Unit ng Bureau of Fire Protection-Mani­la, ang mga biktimang namatay — ang mag­kapatid na sina Ysabel Ygornia, 8, at Bryan Ygornia, 7, at si Juliana Bermudo, 13, at isa pang batang lalaki.

READ MORE:  GRO binoga ng parak (Sumama sa ibang kelot)

Magkakatabi ang nasunog na katawan ng mga biktima nang ma­tag­puan ng mga awto­ridad. Tatlo sa kanila ay hindi na makilala.

Nadiskobre ang ka­ni­lang bangkay sa ikaapat palapag ng bahay na pagmamay-ari ng pamil­ya Antique.

READ MORE:  2 akyat-bahay todas sa shootout

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang ina nina Ysabel at Bryan na si Anabel, 30-anyos.

Habang dalawa pang biktima ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ka­bi­lang ang isang 17-anyos binatilyo na kini­lalang si Manuel Bermu­do na napilayan nang tumalon mula sa kanilang bahay.

Ayon kay Alumno, nagsimula ang apoy sa isang eskinita hanggang nadamay ang gusali.

READ MORE:  PCG officers ipinadala sa China

Mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na­ga­wang makababa sa gusali ng mga biktima.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng Manila Fire Department, may fire exit ang gusali ngunit nasa ikatlong palapag ito at walang hagdan paba­ba. Wala rin umanong permit ang paupahan.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma na nagsimula dakong 1:50 pm at idineklarang under control bandang 3:00 ng hapon.

Sa kabuuan, 25 pamilya ang apektado sa sunog na tumupok sa 15 bahay.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog.  (BONG SON)

COMMENTS

About Bong Son

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved