Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa San Mateo, Rizal: 12 sasakyan ng quarry firm sinilaban ng NPA

Sa San Mateo, Rizal: 12 sasakyan ng quarry firm sinilaban ng NPA

UMAABOT sa 12 sasakyan ang sinu­nog ng 20 miyembro ng New People Army (NPA) nang salakayin ang isang quarry site habang malakas ang buhos ng ulan sa San Mateo, Rizal.

Nabatid sa ulat ng pu­lisya, inamin ng Nar­ciso Antazo Aramil Com­mand ng NPA, na 20 kasamahan nila ang uma­take sa Monte Rock Corp. sa Brgy. Guitnang Bayan sa loob ng dalawang oras.

READ MORE:  Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)

Sa naantalang ulat ng pulisya, nangyari ang pagsalakay isang araw makaraan tumama ang Habagat na nagresulta ng pagbaha sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal, na isinisisi sa quarrying sa San Mateo at Rodriguez ng mga residente.

READ MORE:  Bangkay inanod sa Marikina

Sinunog ng mga rebel­de ang ilang truck, apat na backhoe, bull­dozers at dinisarmahan ang mga security guard ng kom­panya.

READ MORE:  P120-M ayuda sa sinalanta ng baha

Habang kinomiprma ni Supt. Vic Amante, hepe ng San Mateo PNP, 12 sasakyan ng kompanya ang winasak ng mga sumalakay na rebelde.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang nasabing mga rebelde.

ni ED MORENO

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved