Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Terminal rationalization program hindi matutuloy
Terminal rationalization program hindi matutuloy

Terminal rationalization program hindi matutuloy

READ: Sa Balangiga Bells: Maging true gentlemen kaya ang mga Kano?
READ: Droga sa AoR ng Ermita bakit hindi nababawasan?

NAUDLOT ang planong terminal assignments o Terminal Rationalization Program ng mga airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na 31 Agosto 2018.

Ito ang pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil may mga bagay pa raw na kailangan isaayos bago ang todong implementasyon ng naturang programa.

Ayon sa MIAA, “Terminal transfer of airlines will not proceed as originally envisioned. While talks with some airline operators have started and with some signifying their intent to transfer, options that have been discussed are explanatory in nature,”

READ MORE:  MIAA officials huwag sisihin

Unang naging plano ng MIAA at Department of Transportation (DOTr) ang reassignment ng mga airlines upang maibsan ang nagsisikip na terminal sa pagdating ng mga eroplano at maging eksakto ang paggamit sa lahat ng terminals sa pamamagitan ng alignment ng domestic and international operations.

READ MORE:  DOTr walang pinapaborang manufacturers (Sa jeepney modernization program)

“In this regard, The MIAA in its letter dated June 5, 2018, formalized to the Committee Chairman of the House of Representatives Com­mittee on Transportation, its request to defer the implementation of the Terminal Rational­i­zation Program. Therefore, no transfer of airlines will occur until further notice,” ayon sa kanilang pahayag.

Inilinaw rin ng operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang paglipat ng ilang flights ng Philippine Airlines (PAL) sa NAIA Terminal 1 ay para sa pre­pa­rasyon ng reha­bilitasyon ng Terminal 2 na posibleng simulan bago matapos ang kasalukuyang taon.

READ MORE:  Medical mission & relief distribution ng MIAA sa Bicol malaking tulong

“We assure the (riding) public that pas­sengers’ safety, comfort and convenience are always our priority,” dagdag ng MIAA.

Klaro naman siguro ang pahayag ng MIAA.


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved