Categories: News

Nueva Ecija gov nangangamba: Resulta ng probe sa quarry issue minamanipula

NANGANGAMBA si Nueva Ecija governor Czarina ‘Cherry’ Umali sa ginagawang pagtutok ng kalaban nila sa politika sa ilalabas na committee report ng House Commit­tee on Good Government and Public Accountability para isisi sa kanila ang bintang na anomalya sa quarry operations ng Nueva Ecija.

Ginawa ni Umali ang pahayag matapos maka­tanggap ng impormasyon na pinipilit ng kanilang kalaban sa politika na pas­­pasan ang pagba­langkas ng Committee Report at ipitin sa isyu ng quarry ang mga opisyal ng pamahalaang panla­lawigan at ang asawa nitong si dating governor Atty. Aurelio ‘Oyie’ Umali.

Nabuking din ng kapitolyo ng Nueva Ecija ang isang kasunduan o memorandum of agree­ment ni Cabanatuan City Mayor Jay Vergara sa Department of Environ­ment and Natural Re­sour­ces (DENR) Region 3, Environment Manage­ment Bureau (EMB) Region 3, Mines and Geosciences Bureau   (MGB) Region 3 at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 3.

Alinsunod sa MOA, kokontrolin ng Caba­natuan City government ang assessment sa water system at magkakaroon ng collective power ang DENR, city government at ang DPWH para pama­halaan ang dredging and desilting plan sa ikatlong distrito ng probinsiya.

Sa ipinadalang sulat kahapon (13 Agosto 2018) ni Umali kay DENR Sec. Roy Cimatu, hiniling niya na linawin ang batas patungkol sa mandato at superbisyon ng quarry operations dahil alinsu­nod sa batas, tanging ang provincial government lamang ang may karapa­tang mag-isyu ng quarry permit. “…this supposed undertaking is a manifest disregard of the jurisdic­tion and authority of the Provincial Government of Nueva Ecija over its territory. This we find offending, especially in the light of the issues and accusations involving quarry operations. With the special participation of the City Government of Cabanatuan, kept totally from the Provincial go­vern­­ment, after the con­clusion of the Congres­sional inquiry and pen­ding release of the com­mittee report is therefore highly suspect,” ayon sa liham ng gobern­adora.

Dahil sa MOA, mag­ka­karoon na rin aniya ng kapangyarihan si Vergara na kalaban nila sa politika para kontrolin ang quarry operation sa buong District 3 at gamitin ito para supilin sila sa pag-iisyu ng quarry permit sa mga kalipikadong hau­lers.

Nanawagan din si Umali kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na bigyang-pansin ang ginawang pagdinig ng Komite ng Kamara na hinayaang pumapel si Rep. Rosanna “Ria” Vergara, bilang myembro ng Komite gayong hindi naman, at mabigyang pagkakataon para hiyain ang kanyang pamilya.

Malinaw aniya na pamomolitika at panggi­gipit lamang ang motibo ng inihaing House Reso­lution No. 1505 ng Nueva Ecija 3rd District repre­sentive  na si Rvergara, asawa ni Cabanatuan City Mayor Jay Vergara na nakipagkasundo sa mga opisyal ng DENR at DPWH.

Iginiit ni Umali na kalaban nila sa politika ang mga Vergara kaya’t ma­linaw na ‘political revenge’ ang ginagawa nilang aksiyon at naka­lulungkot aniya na gina­gamit ang Kamara para balikan at gipitin ang mga kalaban nila sa politika.

“They never stopped in politicking. They never stopped nitpicking on me and Governor Oyie (Umali). I believe that the truth will come out and the people will learn that we are not the ones with the dirty linens to hang,” giit ng gobernadora.

Sa privilege speech ni Vergara sa Kamara, sinisi niya ang mga Umali kung bakit mas mababa ang koleksiyon ng Nueva Ecija sa quarry, kompara sa nakokolektang buwis sa quarry ng probinsiya ng Pampanga.

“Ayaw na po sana nating patulan ang maba­baw na diskurso ni Congw. Vergara, pero sa simpleng argumento po, hindi talaga kayang maki­pagkompitensya ng Nueva Ecija sa Pam­panga dahil lahar ang kina-quarry sa Pampanga na higit na may halaga gawa ng angkin nitong kalidad partikular ang nilalamang silica na ginagamit ng maraming industriya, at ang tina­tawag na washed sand na may iba’t ibang gamit.

Samantala sa Nueva Ecija ay ordinaryong bato at buhangin lamang. Bukod dito buong Filipi­nas po ang umaangkat ng quarry materials sa Pam­panga, hindi po katulad dito sa atin sa Nueva Ecija na ang commercial dis­position ay puro sa lokal na pangangailangan la­mang at hindi lumalabas ng lalawigan,” paliwanag ni Umali.

“Sabihin pa ang maling basehan ni Gng. Vergara na commercial price sa computation ang dapat na kinokolektang buwis ng probinsiya sa bawat metro-kubiko ng buhangin at bato, taliwas sa sinasabi ng BLGF na fair market value “as extracted in site” o presyo ng kung ano ang nakuha o bilang raw materials.

“Ang commercial price po kasi ay higit na mas mataas dahil may dagdag na itong puhunan gaya ng halaga ng pagso­landra o pagproseso, halaga ng pagbiyahe, ba­yad sa mga tauhan at iba pa puwera pa ang tubo, samantala, ang raw materials ay walang gani­to,” dagdag ni Umali.

(HATAW News Team)

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Angelica Jones, abala sa pagiging consultant ni Pacman

MAY bagong endorsement ang dating Bokal ng Laguna at dati ring singer at artistang si Angelica Jones. Ito ay ang NEXTGEN…

30 mins ago

JM, ipinalit ni Barbie kay Paul?

NAGKATAMPUHAN pala ang magkapareha sa seryeng Araw Gabi na sina Barbie Imperial at JM de Guzman, pero ngayon ay okey…

48 mins ago

Bakit nga ba hindi binalikan ni Carlo si Angelica?

ANG akala namin, magkakabalikan na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban noong ginagawa pa lang nila ang Exes Baggage, na…

50 mins ago

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos…

2 days ago

Racasa sasabak sa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang…

2 days ago

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa…

2 days ago