Categories: Opinion

Problemang shabu tuldukan

PATULOY ang masin­sinang pagtutok at pag­tugis ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa ipinag­babawal na drogang shabu at sa mga de­mon­yong nagpapa­kalat nito.

Akalain ninyong kama­kailan lang ay natuklasan ng PDEA ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.3 bilyon na itinago sa dalawang magnetic scrap lifters sa loob ng isang container sa Manila International Container Port (MICP) na malamang ay inaban­dona dahil sa pangamba na mahuli ito ng mga awtoridad.

Dahil nakatago sa magnetic lifters ay hirap ang mga K9 dogs na maamoy ang ilegal na droga mula sa labas ng container.

Nakuha ng PDEA ang pangalan ng kompanya na dapat sana ay tatanggap nito at pati na ang nagmamay-ari nito na kanilang ipatatawag at hihingan ng paliwanag sa ilegal na kargamento. Sisilipin din nila kung may katotohanan na ang may-ari ng kompanya at ang grupo nito ay sangkot sa pag-aangkat ng shabu sa bansa sa loob nang ilang taon ngunit patuloy na nakalulusot at hindi nahuhuli.

Ang kontrabando ay dumating sa bansa noong 28 Hunyo 2018 mula Malaysia pero naniniwala ang mga awtoridad na nanggaling ito sa China. Inaalam din ng ahensiya kung sangkot ang mga kilalang sindikato tulad ng Bamboo Triad, 14K o Hong Kong Triad sa naturang shipment.

Tinututukan ngayon ni PDEA chief Aaron Aquino at ng kanyang mga tauhan ang posibilidad na may lima pang ibang shipments ng shabu na posibleng nakalusot sa Bureau of Customs. Nakatanggap kasi sina Aquino ng impormasyon na maaaring anim na container ang pinaglagyan ng droga.

Ngayon pa lang ay pinupuri na natin ang PDEA dahil sa walang humpay nilang pagtugis sa ilegal na droga. Pero upang tuluyang mawala ang pagdududa nino man na baka pinakikinabangan ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga nakokompiskang bawal na droga ay makabu­buting ipakita sa publiko ang gagawing pagsunog sa shabu. Hindi maiiwasang may magduda na baka ma-recycle lang ang nakompiskang droga at maibenta pa rin sa mga adik.

Higit sa lahat, makabubuting magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy kung sino man ang nagparating ng droga at pati na ang walang konsensiyang nakatakda sanang tumanggap nito.

Hindi maitatanggi na malalim na ang implu­wensiya na naitanim ng ilegal na droga sa halos lahat ng barangay sa bansa. Dapat maputol nang tuluyan ang pinag-uugatan ng droga kung nagmumula ito sa abroad o ginagawa lang dito sa atin. Ilang buhay at kinabukasan na ang gumuho at nawasak bunga ng ipinagbabawal na droga kaya dapat itong tuluyang matuldukan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

COMMENTS
Robert B. Roque, Jr.

Share
Published by
Robert B. Roque, Jr.

Recent Posts

Oust SGMA bulilyaso

KOMPIRMADO ang balak ng mga kongresista na nasa likod ng mahigit P50 bilyong ‘insertion’ sa 2019 budget ng gobyerno na…

1 hour ago

Luigi on Lani — I love her and I see her as my second mom

MILLENNIAL action film kung i-describe ni Luigi Revilla ang Amats, isa sa trilogy episode na kasama sa Tres movie nilang…

1 hour ago

Mocha, blogger dapat managot sa ilalim ng R.A. 9442 (Magna Carta for Disabled Persons)

MUKHANG dapat nang ipagpag ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang mga taong hindi nakatutulong sa kanyang pagtupad ng tungkulin…

1 hour ago

Estratehiyang ‘vice mayor lahat’ pasok kay Erap

HINAHAMIG ba lahat ni Mayor Erap Estrada ang mga tatakbong vice mayor sa Maynila?! O ang pangalan niya ang ginagamit…

2 hours ago

Mocha, blogger dapat managot sa ilalim ng R.A. 9442 (Magna Carta for Disabled Persons)

MUKHANG dapat nang ipagpag ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang mga taong hindi nakatutulong sa kanyang pagtupad ng tungkulin…

2 hours ago

Demolition job vs. BOC exec sa “P6.4-B shabu shipment”

NABABALOT nang malaking misteryo ang kontrobersiyal na pagta­talo sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)…

2 hours ago