Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daliri ni Liza, nahiwa ng tabak
Daliri ni Liza, nahiwa ng tabak

Daliri ni Liza, nahiwa ng tabak

READ: Joshua, natatameme kay Alice, aminadong crush ang aktres
READ: Ang Babaeng Allergic sa WiFi, passion project ni direk Jun
READ: Joey, priority ang 14 na anak

NASUGATAN pala si Liza Soberano sa isang fight scene na ginawa sa kanilang epic seryeng Bagani na magtatapos na sa Biyernes at napapanood sa ABS-CBN.

Sa finale presscon ng Bagani, ipinaliwanag ni Liza kung paano siya nasugatan.

“Noong Miyerkoles,” medyo nangingiting tugon ni Liza. “Kasi when we were doing the scene. I guess, we we’re really feeling it and medyo nagmamadali lang din kami dahil umuulan.

“We had the need to get the shot because it’s starting to rain. We weren’t able to practice the scene before we took it. And in the middle of the scenes, the emotions took over.

“Accident happened and natamaan ng sword ang daliri ko. It got fractured but it’s fine now,” paliwanag ng dalaga.

READ MORE:  Mga eksena sa La Luna Sangre, pasabog
READ MORE:  Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon HD, mapapanood na sa mga sinehan

Samantala, ngayong linggo masusubok ang paninindigan at ipinaglalaban ng mga Bagani sa patuloy nilang paglaban sa kasamaan para mailigtas ang Sansinukob mula sa pagkawasak sa huling linggo ng Bagani.

Sa pagtatapok ng Bagani, hindi pa rin ito nagpapatalo kung rating ang pag-uusapan. Mula umpisa hanggang sa pagtatapos, sinusubaybayan ng mga manonood ang Bagani sa primetime at nagkamit ng all-time high national TV rating na 36.2% noong Abril 17, ayon sa datos ng Kantar Media.

READ MORE:  Matteo Guidicelli at Paolo Contis, nagkasakitan sa Tupang Ligaw

Hindi lang sa ratings nananalo ang Bagani, dahil gabi-gabi rin itong pinag-uusapan at nagte-trend ang mga opisyal na hashtag ng episode sa Twitter. Ito rin ang ikalawang pinakapinag-usapang teleserye sa bansa sa unang anim na buwan ng 2018, ayon sa Twitter Entertainment Index, ang listahan ng mga pinakapinag-uusapang paksa sa naturang social networking site.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved