Categories: News

Kung negosyador si Trillanes: PH dehado sa China — Cayetano

PATULOY na madede­hado ang sambayanang Filipino kung igigiit ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na siya muli ang maging negosyador sa “Joint Exploration and Development.”

Ipinahayag ni Foreign Secretary Alan Peter Ca­yetano kalihim sa kan­yang Facebook post kaug­nay ng hirit ni Trillanes..

Ayon kay Cayetano, noong pinagkatiwalan ni dating Pangulong Benig­no “Noynoy” Aquino si Trillanes bilang nego­syador, nagresulta ito sa paghulagpos ng kontrol ng Filipinas sa Scar­bo­rough Shoal o Panatag Shoal.

Sinabi ni Trillanes sa isang interbyu sa tele­bisyon, patuloy na ma­ngingibabaw ang China sa pinapalanong “Joint Exploration at Develop­ment” project sa West Philippine Sea dahil umano walang kapa­sidad lalo na sa tek­nolohiya ang mga Filipino na makilahok sa naturang proyekto.

Ngunit tiniyak ni Cayetano sa taong bayan na hindi papayag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga kasunduang hindi patas at hindi pabor sa sambayanang Filipino.

Malinaw, aniya, ang utos ng Pangulong Duter­te na protektahan at pa­ngalagaan ang bawat su­lok ng teritoryo ng bansa at mapakinabangan ng bawat Filipino ang ating “sovereign economic rights.

“Habang patuloy ang iyong pagsisinungaling, at pananabotahe sa kina­bukasan ng mga susunod na henerasyon, patuloy naman kaming mag­sa­sabi ng katotohanan at magtatrabaho para mag­ka­roon ng magan­dang kinabukasan ang mga Filipino” hirit ni Cayetano sa kanyang social media account patungkol kay Trillanes.

HATAW News Team

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Dovie San Andres walang paki sa bashers ng kanyang acting video

IMBES magpaapekto at ma-stress sa kanyang mga basher na nilalait ang kanyang ginawang acting  video na na-feature sa Paminta Superstar…

1 hour ago

Lance Raymundo, happy sa launching ng single niyang YATO

SOBRA ang kasiyahan ni Lance Raymundo sa launching ng bago niyang single titled YATO or You Are The One mula Viva Music. Bale, isang…

2 hours ago

Mojack, busy sa promo ng single niyang Katuga

NAKATUTOK ngayon ang magaling na singer/comedian na si Mojack sa promo ng single niyang Katuga. Si Mojack ay nasa Lodi Records…

2 hours ago

Pagbubukas ng Beautefy ng Beautederm, dinagsa

HINDI malaman ng mga nakasaksi sa pagbubukas ng Beautefy by Beautederm store ni Maria De Jesus sa Alimall, Cubao Quezon…

2 hours ago

Pinoys dinadaig sa job placement ng mga Chinese nat’l sa sariling bayan

SA deliberasyon ng 2019 budget para sa Department of Labor and Employment’s (DoLE) 2019 budget, tinawag ni Senador Franklin Drilon…

2 hours ago

Pinoys dinadaig sa job placement ng mga Chinese nat’l sa sariling bayan

SA deliberasyon ng 2019 budget para sa Department of Labor and Employment’s (Dole) 2019 budget, tinawag ni Senador Franklin Drilon…

2 hours ago