Thursday , April 18 2024

Iba talaga kapag mayor at congresswoman magkasundo

MASAYA at laking pasasalamat ng mga magulang sa mga pampublikong eskuwelahan mula sa elementarya, high school at kolehiyo dahil pinagka­looban sila ng tig-P500 financial assistance kada buwan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay sa administrasyon ni Pasay City Mayor Tony Calixto kasama ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Pasay sa pamumuno naman ni Bise-Alkalde Boyet del Rosario.

Kahanga-hanga ang administrasyong Calixto. Dahil sa mga tulong na rin ni Congw. Emi Calixto-Rubiano sa ibang proyekto ni Mayor Calixto, ang mga natipid na dapat ilaan sa mga proyekto sa tulong ni congresswoman ay inilaan ni Mayor sa financial assistance sa mga estudyante ng public schools.

***

Hindi kukulangin sa 35,000 estudyante sa elementarya, 22,000 sa high school at 6,000 mag-aaral sa City College of Pasay, na ayon sa aking impormasyon ay aabot ng P90 milyon every quarter of the year, suma-total ay P360M kada taon.

***

Isa ito sa masasabi kong basehan ng pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod ng Pasay. Kamakailan ay inaprobahan ng Konseho ang P3-bilyong loan sa Philippine National Bank, ito ay isang credit line sa nabanggit na banko upang may magamit ng lokal na pamahalaan sa mas marami pang proyekto.

Ibig sabihin sakaling kakailanganin pa lamang na kaya na­mang bayaran dahil posibleng umabot na sa P6 bilyon o higit pa ang magiging pondo ng Pasay sa 2019.

***

Marami ang nagulat sa big­lang pag-angat ng ekonomiya ng lungsod ng Pasay, isa sa dahilan ang pag­kakasundo-sundo ng mga miyembro ng konseho, ng congresswoman at mayor. Nag­ka­kaisa ang lahat sa ma­laking pag­babago sa lungsod.

***

Idagdag pa ang walang tigil na housing projects ng administrasyong Calixto. Sa wakas ay mawawalan na ng squatters sa lungsod dahil sa pabahay ni Mayor.

***

Kamakailan ay pinasinayaan ang isang Staging Area sa Manukan, Villamor sa lungsod ng Pasay na may 91 units na pansamantalang tutuluyan ng mga residente sa Cuenca St.

Habang itinatayo ang apat na palapag na titirahan ng mga residente. Ang lote na titirikan ay nabili ng Pasay City Government sa NHA upang ilaan ng administrasyong Calixto sa mga pamilyang walang tirahan.

***

May mga lugar na pagtatayuan ng housing project ng Calixto administration at sakaling humalili ang kapatid sa puwesto ni Mayor Calixto, ipag­papa­tuloy ni Congw. Emi ang lahat ng naka­planong proyekto na maiiwan ni Mayor Calixto.

***

Saan ka pa? Sarap tumira sa Pasay!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *