Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Clarkson, ‘di pinayagan ng NBA:: Gilas lumipad na pa-Jakarta
Clarkson, ‘di pinayagan ng NBA:: Gilas lumipad na pa-Jakarta

Clarkson, ‘di pinayagan ng NBA:: Gilas lumipad na pa-Jakarta

LUMIPAD na ang pam­bansang koponan na Gilas Pilipinas patungong Jakarta, Indonesia kahapon para sa 18th Asian Games nang hindi kasama ang pambatong si Jordan Clarkson.

Hindi pinayagan ng National Basketball Asso­ciation (NBA) ang guwardiya ng Cleveland Cavaliers na makapaglaro para sa Filipinas sa Asian quadren­nial meet na nakatakda mula 18 Agosto hanggang 2 Setyembre.

“The NBA’s agreement stipulates that NBA players can participate in the Olympics, the FIBA Basket­ball World Cup, Continental Cup competitions and as­sociated qualifying tour­naments,” saad ng NBA sa opisyal na pahayag na inila­bas kahapon sa pama­magitan ni spokesman Tim Frank.

READ MORE:  Glory days ni Jay Sonza, hindi na maibalik (Karapatan ng mga bata, dapat alam)

“Because the Asian Games are not one of those competitions, NBA players are unable to participate. In accordance with the NBA’s agreement with FIBA, Jordan is welcome to represent the Philippines in the agreed-upon competitions.”

Matatandaan noong Biyernes ng gabi inianunsyo ni head coach Yeng Guiao ang pagkakasama ni Clarkson sa final 12 roster ng koponan na sasabak sa Asiad.

Sa parehong araw din ay napag-alaman nina Guiao at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na inapbrobahan na rin ng Indonesia Asian Games Organizing Com­mittee (INASGOC) at Olympic Council of Asia (OCA) ang eligibility ng Filipino-American na si Clarkson.

READ MORE:  Cruz sa TNT aprobado

Ngunit nauwi sa wala ang lahat ng iyon dahil hindi pumayag ang NBA.

Sa kabila nito, tiwala si Guiao na lalaban ang bansa sa abot ng makakaya kahit wala si Clarkson.

“Siyempre, malungkot na wala si Jordan Clarkson,” aniya. “Pero handa kami with or without him. We’ll represent the country to the best of our ability. “

Sasandal si Guiao kina Stanley Pringle, Paul Lee, Chris Tiu, Maverick Ahanmisi, James Yap, Gabe Norwood, Beau Belga, Raymond Almazan, Chris­tian Standhardinger, Asi Taulava at JP Erram.

READ MORE:  PSC: Change the Game

Ngunit 11 manlalaro lang ito bunsod ng pagkawala ni Clarkson kaya’t susubok sina Guiao at ang SBP na ipalit si Don Trollano sa line up sa gaganapin na managers’ meeting ngayong araw sa Jakarta.

Gayonpaman, payagan man o hindi si Trollano na pumalit kay Clarkson ay nangako si Guiao ng mag­iting na laban mula sa kanyang mga natitirang manlalaro.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved