Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Economic bright boys ni Digong ayaw sa Federalismo
Economic bright boys ni Digong ayaw sa Federalismo

Economic bright boys ni Digong ayaw sa Federalismo

READ: Bilang permanenteng pangalan ng Clark International Airport: Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ibabalik

ANG Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay parang choir…

‘Yun lang, choir na iba-ibang piyesa ang kinakanta sa iisang pagkakataon.

Kung ang kanilang conductor (Digong) ay kumukumpas para sa Federalismo, tila kuma­kanta naman ng kontra-piyesa sina Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III at Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Ayon kay Dominguez, kakailanganin ng gobyerno ng P131 bilyones sa unang taon ng transisyon habang sinasabi ni Pernia na magiging ‘sakuna’ ang federalismo sa ibang rehiyon.

READ MORE:  Robin, may hamon kay Trillanes — Problema mo harapin mo, huwag mong idamay ang buong bansa

Sa panahon na isinusulat ang borador nito nina dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno at iba pang dekano ng mga law at economic schools o ang bumubuo ng ConCom sa bansa, hindi natin naririnig ang mga reak­siyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng pama­halaan.

READ MORE:  Sandamakmak ang bodyguards ng mga dayuhang casino financier

Nanatiling estranghero sa publiko ang federalismo at maging ang tagapagsalita ng ConCom na si Ding Generoso ay hindi naririnig na nagpapaliwanag ukol rito.

Kaya naman mukhang lalong bumilib si Pangulong Digong kay Mocha dahil sa kontrobersiyal na ‘pepe-dede ralismo’ nila sa youtube ay biglang pinag-usapan ang fede­ralismo.

‘Yun lang, hindi sa tunay na esensiya nito, kundi sa pamamaraan kung paano ito pina­tampok ng PCOO.

READ MORE:  Lehislatura mariing ipinagtatanggol ni Sen. Ping Lacson

Hindi natin alam ngayon kung magtata­gumpay pa itong federalismo gayong ang administrasyon mismo ni Tatay Digs ay hindi buo rito.

Paano na? Ang laki na nang ginastos dito.

Nganga na naman ba ang sambayanang Filipino?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved