Categories: Showbiz

Drug free Bulacan, drug free showbiz, pangarap ni VG Fernando

READ: Direk Jason, inspirasyon ang pagtulong sa indie bands
READ: Perla, Menggie at Dante, ‘‘di nagpahuli’ sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
READ: Pagbabago sa rules ng PPP, inasahan na ni Arguelles

MAGANDA ang hangarin ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na maging drug free ang Bulacan gayundin ang showbiz.

Sa paglulunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa programang Bola Kontra Droga sa Bulacan State University sa Malolos, iginiit ni Vice Gov. Fernando ito ang ambag nila sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumuo ng isang bansang malaya sa droga o drug free.

Kaagapay ni Fernando si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado at Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado sa proyektong ito gayundin ang ilang celebrity tulad nina Joross Gamboa, Matt Evans, Mark Herras, Marco Alcaraz, Joseph Bitangcol, Onyok at iba pa.

Ani Fernando, ”Ito po ay isang basketball shoot out with the celebrity bilang bahagi ng ating anti-drug campaign dito sa lalawigan ng Bulacan.  

“Basketball ang napili namin dahil ito ang malapit sa puso ng ating mga kabataan.

“Hinihikayat natin ang buong Bulacan na maglaro ng basketball at iba pang sports at huwag magpadala sa tukso ng ipinagbabawal na gamot.”

Sinabi pa ni Fernando na maraming magandang epekto ang dulot ng paglalaro ng basketball maging ng iba pang klase ng isports.

Isinama ni Fernando ang mga kapwa niya artista sa proyektong ito dahil ”Sila ang maimpluwensiya ngayon sa ating mga mamamayan. Nagsisilbing modelo ng ating mga kabataan kaya ipinakikita rin natin na sa ating galit na sugpuin ang droga sa ating lipunan.”

Sinabi naman ni Joross na walang politika sa ginagawa nilang pagtulong sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball. ”Matagal na naming ginagawa ito (paglalaro ng basketball). Ngayon lang kami nagkaroon ng purpose (paglalaro kontra droga).”

Aminado si Fernando na marami ang nasa showbiz na nalululong sa masamang gamot tulad ni CJ Ramos. “Nakakalungkot na mayroon ding mga artista na nahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.”

Pangarap ni Fernando na magkaroon ng drug free showbiz at drug free Bulacan. ”Para maging huwaran ang ating mga artista sa ating mga mamamayan lalo na sa ating mga kababayan. Ito ay unang hakbang pa lamang sa ating tuloy-tuloy na kampanya kaya hinihiling natin ang suporta ng bawa isa para maging matagumpay ang ating layunin.

“Bola Kontra Droga para sa isang Drug Free Bulacan, Drug Free Showbiz. Ito ang pangarap namin, ito ang ating pagsusumikapan.”

Magkakaroon ng tour ang grupo sa ilan pang public schools para maglaro ng basketball bilang suporta na rin sa kampanya kontra droga.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS
Maricris Valdez Nicasio

Share
Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

Palakpakan sa gera vs droga

KUNG mayroong isang bagay na labis na ikinatutuwa ng mamamayan, at ikinaiinis naman ng oposisyon, ito ay walang iba kundi…

14 mins ago

“The Story of My Life…”

ESSAY type writing and the likes, ang masasabi kong isa sa pinakaayaw ng aking baby, Alberta Kristea (aka Tea), 11-anyos,…

26 mins ago

Problemang paradahan

HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang laba­nan ang trapiko, mapa­luwag ang mga lan­sangan at maalis ang mga…

27 mins ago

Alamin ang Anakalusugan

MAYROON itong isang grupo na nagbubuklod upang tahakin ang landas ng pagtulong sa kapwa Filipino lalo ang mga kapos-palad nating…

29 mins ago

Intelligence gathering pinaigting ng NBI

LALO pang pinaigting ni NBI Deputy Director for Intel CPA Eric Distor ang programa niya laban sa kriminalidad matapos aprobahan…

31 mins ago

Suking-suki ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely, Sumainyo ang pagpapala ni Lord sampu ng buo ninyong pamilya. Ako po Sis, si Sister Petra E.…

45 mins ago