Saturday , August 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bilang permanenteng pangalan ng Clark International Airport: Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ibabalik
Bilang permanenteng pangalan ng Clark International Airport: Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ibabalik

Bilang permanenteng pangalan ng Clark International Airport: Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ibabalik

READ: Economic bright boys ni Digong ayaw sa Federalismo

GAGARANTIYAHAN na ng batas ang permanenteng pagpapangalan sa Clark International Airport (CIA) Bilang Diosdado Macapagal International Airport (DMIA).

Ito ang isinusulong ng mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Pampanga bilang pagtatanggol sa pangalan ng kauna-unahang Kapampangan na naging pangulo ng bansa.

Masyado yatang nainsulto ang mga Pampangeño nang palitan ni ex-PNoy (Kapampangang Tarlaqueño) ang paliparan na ipinangalan sa kanilang kababayan na si Ka Dado Macapagal at ipinakulong pa ang anak na si dating Pangulo ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

READ MORE:  When it rains it pours… Martin Diño

Pero sa pagkakataong ito, titiyakin na ng mga Pampangeño na hindi na matatanggal ang pangalan ng tatay ni SGMA sa paliparan na nasa Angeles City dahil isusulong nila ito sa Kamara.

Sabi nga ni Councilor Edu Pamintuan, ang pagbabalik ng pangalan na DMIA para sa airport ay alinsunod sa revised guidelines ng National Historical Commission na nagsasaad na ang pagpapangalan ay dapat na mayroong historical and cultural significance at nag-aambag ng positive development para sa national pride batay sa accomplishments ng paghahanguan ng pangalan.

READ MORE:  Probe vs Digong’s ill-gotten wealth squid tactic (Para makalusot sa Dengvaxia, Mamasapano)

Siguro nga, kailangan tiyakin ng mga Pampangeño na hindi na mabubura ang pangalan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa paliparan na nasa Angeles City na dating nakapangalan kay dating US Air Force aviator, Major Harold Clark.

READ MORE:  Ex-Gov. Hermogenes Ebdane dapat busisiin at isalang ng senado! (Bundok ba o mine tailing?)

Hinangan na po ninyo ‘yan at tiyakin na maaaprobahan sa Kamara ang permanenteng pangalan na Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) nang sa gayon ay hindi na mabiktima ng pamomolitika, habang si GMA pa ang Speaker of the House.

Sulong Pampangeño!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved