Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Batang Gilas pang-apat lang
Batang Gilas pang-apat lang

Batang Gilas pang-apat lang

NAKAKADESMAYA ang pagkatalo ng Batang Gilas sa Australia noong Biyernes sa semis ng FIBA Asia Under-18 Asian Championship sa Bangkok.

Desmayado tayo dahil naroon na ang ating teams na sagana sa height at talent para lang tambakan ng Team Australia na kitang-kita na mas handa at determinado sa laban kumpara sa Batang Gilas.

Biruin mong naroon na tayo sa rurok ng tagumpay pagkatapos iwasiwas ang grupo nila kasamang tinalo ang powerhouse China sa elimination round, at ganoon lang ang magiging performance nila kontra Australia.

READ MORE:  Gilas kontra Kazakhstan sa Asiad opener

Bakit nga ba hindi tayo maghihimutok, eh, walang anuman na tinambakan tayo ng Australia sa iskor na 77-43.  Ikanga, NO CONTEST.  Sa nasabing laro ay inararo tayo ng full court press na hindi naresolbahan ng coaching staff ng Batang Gilas.  Ni wala tayong sagot para makawala sa matinding depensang iyon.

Resulta noon—puro tayo error hanggang sa tambakan tayo ng  34 puntos.

Nakakapanghinayang talaga.  Biruin mong ngayon lang nagkaroon ng ganitong katatayog ang national team na pinangungunahan ni Kai Sotto na isang seven-footer at AJ Edu na may taas na 6-foot-10, na walang nahitang medalya kahit 3rd place.

READ MORE:  PHILSCA Woodpushers nagpakitang gilas

Sabi nga ng mga miron sa aming lugar na nakapanood ng nasabing laban, okey lang na natalo ang Team Philippines sa isang mahigpitang laban.   At least nakita nila na ipinaglaban ng mga players at coaching staff  ang ating bandila.  Pero hindi iyon nakita.   Nagmistulang pipitsugin ang ating mga manlalaro na unti-unting minamasaker ng kalaban.

READ MORE:  Bahrain giniba ng Batang Gilas

Anyway, malaking pampalubag-loob na rin na nakapasok ang Batang Gilas sa top 4 para sumampa tayo sa FIBA World under-19 pagkatapos na talunin tayo ng China para sa bronze medal.

Masaklap pa rin iyon dahil tinalo na ng Batang Gilas ang China sa eliminations pero nabuweltahan ang Pinas para agawin sa atin ang bronze medal.

KUROT SUNDOT
ni Alex Cruz

COMMENTS

About Alex Cruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved