Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Balangiga Bells ibabalik ng kano Palasyo natuwa
Balangiga Bells ibabalik ng kano Palasyo natuwa

Balangiga Bells ibabalik ng kano Palasyo natuwa

IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ng US Defense Department na planong ibalik ng Ame­rika ang maka­saysayang Balangiga Bells sa Fili­pinas.

“We have been in­formed of the announce­ment by the US Depart­ment of Defense about the Balangiga Bells. We welcome this develop­ment as we look forward to continue working with the United States Govern­ment in paving the way for the return of the bells to the Philippines,” pahayag ni Presidential Spokes­man Harry Roque.

READ MORE:  Villar: NP-NPC walang alyansa para kay Chiz
READ MORE:  Palasyo itinangging walang ginawa si PNoy sa SAF 44

Matatandaan, ipina­babalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Amerikano ang tatlong Balangiga Bells na nina­kaw ng US  bilang war booty matapos ipag-utos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng kalalakihan, edad 10-anyos pataas sa Samar nang mapaslang ng mga Filipino ang 46 sunda­long Amerikano noong Fil-Am war.

READ MORE:  Palasyo ‘tahimik’ sa pag-aresto kay Quiboloy

Ang dalawang bells ay nasa US military base sa Cheyenne, Wyoming at ang isa ay nasa mu­seum sa South Ko­rea.

(ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved