Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, sinungitan ang ekstrang nagpapa-picture
Aktres, sinungitan ang ekstrang nagpapa-picture

Aktres, sinungitan ang ekstrang nagpapa-picture

SUPER turn-off ang naka-tsikahan naming talent sa isang teleseryeng umeere ngayon sa bidang babae dahil sinungitan ang mga nagpapa-picture.

Ang buong kuwento, “siyempre mga talent kami starstruck kami sa kanya kasi bida siya. First time namin siyang makakaTrabaho. GanOOn naman talaga, ‘di ba?”

Ang kausap naming talent ay maraming beses nang lumalabas sa mga serye at katunayan, nakatrabaho na niya ang mga malalaking artista tulad nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Jodi Sta. Maria, Lorna Tolentino, Coney Reyes at iba pa.

READ MORE:  Batang aktres, inihalintulad sa matigas na kahoy ang noches na kapatid ni matandang aktres

Lahat ng mga nabanggit na artista ay may picture ang kausap naming talent dahil ito ang konsuwelo niya at kino-compile niya ito bilang remembrance.

Nitong linggo lang ay may taping ang talent sa serye ng bidang babae at napansing hindi ngumingiti sa kanila. Inisip nila nag-i-internalize sa eksenang kukunan.

READ MORE:  Talent manager, disente kuno

Ganoon naman talaga bago mag-take, hindi nagsasalita ang mga artista, gets namin ‘yun.  Pero itong si (bidang babae) matagal ng tapos ang eksena at nakiki-tsika na siya sa mga kasama niya at sa staff kaya lumapit ‘yung isang kasama naming talent na kung puwedeng magpa-picture, nagpaalam naman.

“Kitang-kita ko na umismid si (bidang babae) at halatang pilit at noong magte-thank you na ‘yung kasama ko, tumalikod na. Hindi na ako nagpa-picture, nawalan ako ng gana.

“Hindi namin ini-expect ng kasama naming ganoon pala ang ugali niya.  Sayang, gustong-gusto pa naman namin siya, sagwa pala ng ugali,” detalyeng kuwento sa amin ng talent.

READ MORE:  Charice, pinalitan na bilang endorser ng pabango ni Joel Cruz

Sinabi namin na baka pagod ang bidang babae dahil intense ang lahat ng eksena sa serye. (Reggee Bonoan)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved