Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 tiklo sa buy-bust
4 tiklo sa buy-bust

4 tiklo sa buy-bust

ARESTADO ang apat hinihina­lang drug personalities sa isina­gawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, S/Insp. John David Chua, ang mga suspek na sina Jacinto Dionisio, 36; Felizardo Bautista, 42; at Richard Tolentino, at Noriel Figueroa, 38-anyos.

READ MORE:  Marcos sa libingan ng mga bayani aprubado sa SC (Sa botong 9-5 ng mga mahistrado)

Sa imbestigasyon ni PO1 Donn Herrera, dakong 8:30 pm nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU ang buy-bust operation kontra kina Bautista at Dionisio sa A. Mabini St., Brgy. 5, Sangan­daan.

READ MORE:  P544-M shabu kompiskado sa Pasay condo (4 Chinese nationals arestado)

Nang iabot na ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa undercover police poseur buyer, kapalit ng P500 marked money ay agad dinakip sina Bautista at Dionisio habang nakuha sa kanila ang apat plastic sachet ng hinihinalang shabu.

READ MORE:  Ria, natomboy kay Jericho; Arjo, hilong talilong sa pelikula at teleserye

Dinakip din sina Tolentino at Figueroa nang makompiskahan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakompiska ng mga opera­tiba ang isang PUV Toyota Innova na may plakang NOS-243, na gamit ni Figueroa.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved