Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joey Marquez, tanggap maging manugang si Mark
Joey Marquez, tanggap maging manugang si Mark

Joey Marquez, tanggap maging manugang si Mark

TIYAK na walang magiging problema kay Joey Marquez kung sakaling magiging son-in law nito si Mark Herras sa totoong buhay.

Ang tsika, walang ilangan sa dalawa. ”Very civil kami. Wala naman akong ano sa kanya, eh! Wala akong against sa kanya,” pahayg ni Joey.

Kung si Joey ang masusunod, gusto nitong mag-asawa ang kanyang anak na si Winwyn sa gulang na 40 na halatang nagpi-playtime lang nang sabihin iyon. But seriously, ang gustong mangyari ni Joey ay kapwa maging handa ang dalawa kapag pumasok na sila sa isang seryosong relasyon tulad ng pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya.

READ MORE:  Gawad Kabataan Survivor 101 ng SMAC TV Network, pantustos sa pag-aaral ng mga kabataan

“Kasi, hindi puwedeng puro pag-ibig lang. Iyang pag-ibig, natutunaw iyan ‘pag wala nang pagkain sa lamesa, eh. Ibang usapan na ‘pag walang pagkain, walang pambayad ng electricity.”

In passing ay natanong si Tsong kung alam nito ang tungkol sa self-sex video ni Mark? Napakunot-noo ito. ”Ano yun? Meron ba?” 

Matatandaang noon pang hindi magsyota ang dalawa nabalita ang tungkol sa nasabing video scandal pero ngayon lang ito lumutang muli. ”Okey lang ‘yun, kasi part iyon ng being young, eh. Okey lang ‘yun. Lalaki ako, eh!”

Dahil ditto, natanong  si Tsong Joey kung gusto rin nitong magkaroon  ng sex video scandal at agad itong sumagot ng ‘oo’ pero, ”Mayroon kayang may gusto? Mayroon kayang manonood?” (Alex Datu)

READ MORE:  Drug free Bulacan, drug free showbiz, pangarap ni VG Fernando
READ MORE:  Vitto Marquez, malaman magsalita, manang-mana pa kay Tsong Joey
READ: Sue, ‘di nagpapaligaw sa text
READ: Boots, nakikipagpalitan ng sweet messages sa text
READ: Anne, handa nang magka-baby

 

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved