Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vance Larena, biggest break ang Pelikulang Bakwit Boys
Vance Larena, biggest break ang Pelikulang Bakwit Boys

Vance Larena, biggest break ang Pelikulang Bakwit Boys

READ: Kris Lawrence, pinaplantsa na ang 12th anniversary concert

ISA si Vance Larena sa tampok sa pelikulang Bakwit Boys, entry sa 2nd Pista ng Peli­kulang Pilipino (PPP) na mapapa­nood sa mga sinehan nation­wide, mula August 15-21.

Nakakuha ng Graded-A sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Bakwit Boys mula sa pamamahala ng prolific director na si Jason Paul Laxamana. Hatid ng T-Rex Entertainment, tampok din sa pelikula sina Nikko Natividad, Ryle Santiago, Mackie Empuerto, Devon Seron, at iba pa.

Ikinuwento ni Vance ang ilang detalye ng kanilang pelikula. “Ang role ko po sa movie is si Elias Datul, panganay po sa apat na magkakapatid na lalaki. Bale, nasira ng bagyo iyong home­town namin sa Isabela at napilitan kaming mag-evacuate sa lolo namin in Pampanga. Pero sa kabila ng setback na naranasan namin sa buhay, hindi kami nawalan ng pag-asa because of our love for music and songs,” esplika ni Vance na bago suma­bak sa showbiz ay isang third year Law student sa San Beda College.

READ MORE:  Phoebe Walker, kaswal na nag-deny na may relasyon ang ex-boyfriend at si Allan K!

Dagdag niya, Balak naming maging boy band na napapa­kinggan sa radio. Si Devon as Rose, a girl from Manila, ang makadi-discover sa amin and will help us achieve our dream.”

READ MORE:  Pagbabago sa rules ng PPP, inasahan na ni Arguelles

Nagpapasalamat din siya kay Direk Jason Paul sa pagka­kapili sa kanya rito. “Nag-audition ako for my role and I didn’t expect my role will be this big. I’m glad napili ako ni Direk Jason Paul kasi nga bukod sa  naka-aarte ako, nagkaroon din ako ng chance to sing. Nag-click naman kami agad ng actors who play my brothers at magkasundo kaming lahat.”

READ MORE:  Bela at JC, nagpipilit sumaya

Nabanggit din niya ang ex­cite­ment sa nalalapit na pagpa­palabas ng Bakwit Boys. ”Sobrang excited po at sobrang kabado po at the same time dahil malaki ang aming tiwala sa material, na ipinapa­nalangin nga po ta­laga na­ming makita at ibigin ng maraming tao. Malaki rin po ang pasasala­mat namin sa May­kapal dahil po binig­yan kami ng pagka­kataong maibahagi ang ga­nitong klaseng istorya sa pamamagitan ng PPP. We are really hoping for the best.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved