Categories: Sports

Thompson itinanghal na Finals MVP

PINARANGALAN si Scottie Thompson bilang Most Valuable Player ng 2018 PBA Commissioner’s Finals.

Ito ay matapos mamayani sa six-game series victory ng Barangay Ginebra kontra sa dating kampeon na San Miguel na nasaksihan ng 20,490 fans sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kamakalawa.

Hindi ito inakala ni Thompson lalo’t ang tanging nais niya simula’t sapol ay matulungan ang Gin Kings na magwagi ng kampeonato.

“Unang-una, wala akong idea na may makukuha akong MVP.  Gusto ko lang talaga ay championship,” ani Thompson na nagrehistro ng 10.8 puntos, 7.7 rebounds at 5.2 assists sa umaatikabong six Finals games para sa Ginebra.

Produkto ng University of Perpetual Help System-Dalta sa NCAA, inamin ni Thomp­son na hindi niya akalaing magwa­wagi ng mga naturang parangal sa PBA nang ma-draft bilang 5th overall pick ng Ginebra noong 2015 PBA Rookie Draft.

Bagamat nag-MVP sa NCAA noong Season 90, masalimuot na nagwakas ang collegiate career ng do-it-all guard na si Thompson nang hindi nakapasok sa Final Four ang Altas sa kanyang huling playing year.

Kahit isang beses ay hindi siya nagkampeon bago marana­san ito sa Ginebra.

“I thank God, siguro everything happens for a reason. Talagang nabigo ako sa career ko sa Perpetual pero rito sa career ko sa PBA, sobrang blessed,” dagdag ni Thompson na nagtala ng 12 puntos, 13 rebounds at 5 assists sa title-clinching win ng Gin Kings sa Game 6.

Sa kabila nito, ibinigay ni Thompson ang papuri sa buong koponan ng Ginebra na para kan­ya ay siyang dapat na tanghaling MVP.

“Lahat kami, deserve ‘yung MVP. Pero mas deserve namin itong championship,” pagtata­pos niya. (JBU)

 

COMMENTS
John Bryan Ulanday

Share
Published by
John Bryan Ulanday

Recent Posts

Shaina Cabreros chill and relax lang sa career

Bata pa lang ay isinasalang na sa rampahan si Shaina Cabreros ng kaniyang daddy/manager na si Ronnie Cabreros at halos…

2 mins ago

Gabby, umaasa pa ring matutuloy ang movie nila ni Sharon

MAPANGGULAT na pala ngayon itong si Gabby Concepcion. Kundi pa dahil sa promo interviews sa kanya para sa partisipasyon n’ya…

29 mins ago

Joel Lamangan, aarte sa entablado

DALAWANG weekends na magiging batikang aktor si Joel Lamangan. Opo, si Joel Lamangan na premyadong direktor sa pelikula, sa telebisyon,…

30 mins ago

Regine, naghahanap ng show na mailalabas ang pagiging singer

HINDI na kailangan pa ang kung ano-anong alibi na kesyo hindi kasi isinali si Regine Velas­quez sa isang bagong show sa kanilang…

35 mins ago

Jake Zyrus, tinawag na ‘evil queen’ ang inang si Racquel

MATINDI ang naging ganti ni Racquel Pempengco sa kanyang anak na si Charice, na ang alyas ngayon ay Jake Zyrus. May ginawa kasi iyong isang…

36 mins ago

Pia, kauna-unahang Miss Universe na magkakaroon ng wax statue sa isang sikat na wax museum

MAY lamang na, kumbaga, si Pia Wurtzbach sa mga kapwa Pinay n’ya na naging Miss Universe. Magkakaroon na siya ng wax statue sa…

39 mins ago