Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Hamon ni Andaya: Rep. Suarez patunayang tunay na lider ng minorya
Hamon ni Andaya: Rep. Suarez patunayang tunay na lider ng minorya

Hamon ni Andaya: Rep. Suarez patunayang tunay na lider ng minorya

HINAMON ni Majority Leader Rolando Andaya Jr., si Minority Leader Danilo Suarez na patu­nayan ang kanyang pagka-minority leader.

Ani Andaya, ang pa­mu­muno sa minorya ay hindi sa pangalan lamang.

Si Suarez aniya ang bahalang magpa­sinu­ngaling sa mga nagdu­duda sa kanya.

“Minority leadership is not just a matter of title, but of work, something that must be affirmed on the floor and in com­mittee rooms daily (Ang pamumuno sa minorya ay hindi lamang patung­kol sa titulo, kundi tung­kol sa trabaho, isang bagay na dapat patuna­yan sa plenaryo at sa araw-araw na pagdinig sa mga komite),” hamon ni Andaya.

READ MORE:  ‘Pork release’ ni Suarez inilabas ng Kamara

Sa kabila nito, sinabi ni Andaya na magbe­benepisyo ang Kamara sa presensiya ng maraming grupo ng oposisyon.

“House benefits from many opposition, it suf­fers when there is none (Nagbebenepisyo ang Kamara sa mga opo­sisyon, magdudusa ka­pag wala nito),” dagdag ni Andaya.

READ MORE:  Digong Bongbong nanguna (Sa Comelec unofficial, partial result, Lim, Malapitan umarangkada kontra sa kalaban)

Pinapahalagahan, aniya, ng liderato ng Kamara ang importansiya na ginagampanan ng oposisyon.

Bukod sa grupo ni Suarez, nandiyan ang grupo ni Rep. Miro Quim­bo ng Marikina na may kasaping 26 mambabatas mula sa Liberal Party, sa grupo ng Makabayan at Magdalo.

Nariyan din ang grupo ni Rep. Eugene de Vera at ni dating Majority Leader Rodolfo Fariñas.

READ MORE:  Imbestigasyon ng Senado sa Dengvaxia itigil na

Ani Andaya, isang benepisyo ng pagkaka­roon ng maraming opo­sisyon ang magkakaibang panukala na magmu­mula sa tatlong grupo na wala sa mayorya.

Dapat aniyang ibalik sa Kamara ang “healthy policy debates” na hindi naman nakaaabala sa kalendaryo ng Kamara para gampanan ang man­dato nitong magha­ngo ng batas para sa pu­bliko.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved