Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sa huling dalawang linggo ng Bagani: Malaya (Kristine Hermosa) magtagumpay kaya sa pagbura ng Sansinukob?
<span class="entry-title-primary">Sa huling dalawang linggo ng Bagani: Malaya (Kristine Hermosa) magtagumpay kaya sa pagbura ng Sansinukob?</span> <span class="entry-subtitle">Ganda at Lakas (LizQuen) parehong palaban</span>

Sa huling dalawang linggo ng Bagani: Malaya (Kristine Hermosa) magtagumpay kaya sa pagbura ng Sansinukob? Ganda at Lakas (LizQuen) parehong palaban

READ: FDCP to Feature International Experts at Film Industry Conference

KAHIT na ayaw ng LizQuen fans sa buong mundo na tapusin na ang favorite nilang teleserye ng mga idol na sina Enrique Gil at Liza Soberano na “Bagani” na pinanonood nila gabi-gabi ‘e kailangan na talaga itong mag-end this August 17 (Friday next week) dahil lalaylay na ‘pag nagkataon ang takbo ng story nito kung pahahabain pa ng ABS-CBN at Star Creatives.

READ MORE:  Mga eksena sa La Luna Sangre, pasabog

Hindi na masama at umabot nang lampas sa two season ang show at magwawakas na consistent sa mataas nilang ratings. At para sa kanilang last two weeks, ay siguradong hindi bibitinin ang viewers ng Bagani sa mas lalong nagiging palaban ang character ng dalawang Bagani na sina Lakas (Gil) at Ganda (Soberano). Sila ang pipigil sa planong pagbura ni Malaya (Kristine Hermosa) sa Sansinukob.

READ MORE:  Roxanne Cabañero, nagtayo ng negosyo para may pagkaabalahan

Bahala nang magbuwis ng kanilang buhay ang dalawa huwag lang masaktan ang taga-Disyerto, Patag at mga Mangangalakal na kanilang lahi na noon pa man ay kanilang pinoprotektahan.

At sa huling laban ng matatapang at mabubuting nilalang na Bagani ay kakampi pa rin nila ang Babaylan na si Gloria (Dimples Romana) at Matadorang ginagampanan ni Aiko Melendez. Ang nasabing drama-fantasy series ay idinirek ng tatlo sa mahuhusay na director ng Kapamilya network na sina Direk Richard  Arrelano, Direk Lester Pimentel at Direk Raz dela Torre.

READ MORE:  Teleseryeng Bagani nina Liza, Matteo, Sofia, Makisig at Enrique, simula na ngayon! 

Napapanood sila weeknights after FPJ’s Ang Probinsyano, sa ABS-CBN2 Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved