Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Konstitusyon hindi prostitusyon ang iniatas ipaliwanag ng PCOO at ni Asec Mocha Uson

Konstitusyon hindi prostitusyon ang iniatas ipaliwanag ng PCOO at ni Asec Mocha Uson

MATATAGALAN bago makabangon ang isinu­sulong na pagbabago ng Saligang Batas tungo sa Federalismo dahil sa karumal-dumal na sex-oriented video ni Pre­sidential Com­muni­cations Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson na kuma­lat sa social media.

Hindi madaling ma­bu­bura sa isip publiko ang mantsang idinulot ng video ni Uson at ng siyokeng alalay niya sa nababoy na draft ng bagong Saligang Batas na pinaghirapan pa man din ng mga kagalang-galang na Consultative Committee (Con-com) na pinamunuaan nina retired Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno at dating Sen. Aquilino “Nene” Pimentel, Jr., sa loob ng ilang buwan.

Sinong hangal ang magsasabing hindi kahindutan ang “I-pepe, i-pepe, i-dede, i-dede, i-pepe-pepe-pepederalismo” sa video ni Uson at ng kanyang alalay na siyoke ay tumutukoy sa isinusulong na Federalismo?

Mismong ang Department of Interior and Local Government (DILG) bilang lead agency na kakampanya sa Federalismo ay umamin na nayurakan ang isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas.

READ MORE:  NCRPO chief Oscar Albayalde hataw pa more

Desmayado si Assistant Secretary Epimaco Densing III, aniya: “Medyo nagkaroon ng damage at maraming sumama ang loob. Medyo nagkaroon ng konting lamat.”

Bakit ba sa mga bagay na may kaugnayan sa sex ang laging nasa kukote ni Uson at ng mga manyakol sa PCOO?

Imposible naman yatang napagkamalan ni Uson na Konstitusyon ang iniutos na ikampanya ng PCOO – hindi prostitusyon.

 

ANDANAR, USON, GENEROSO:

MAKAKAPAL ANG APOG

HUGAS-EKLOG na naman ang wala rin silbing amo ni Uson na si PCOO Sec. Martin Andanar para dumistansiya sa panibago at nilikhang kabu­wisitan sa administrasyon ng kanyang tanggapan na bumalandra sa administrasyon.

Ibinibintang ni Andanar ang sisi kay Ding Generoso, spokesman ng Con-com, matapos mabulyawan ni Executive Secretary Salvador Medialdea at makuwestiyon sa pagkakatalaga kay Uson na ikampanya ang pagbabago sa Saligang Batas tungo sa Federalismo.

READ MORE:  BI hit P4.75B collections for 2017

Kung ‘di ba naman talagang puro kapalpakan lang lagi itong si Andanar, kesyo pinagsabihan na raw niya si Generoso gayong hindi niya ito sinaway bago nayurakan ang isinusulong na Federalismo.

Samantala mahigit isang linggo na lumabas sa media ang pahayag ni Generoso kay Uson na napili niyang kumampanya para sa Federalismo dahil sa milyones daw na following nito sa social media.

Bakit ngayon lang sasawatain ni Andanar ang pangahas na si Generoso at inantay pa niya na makagawa muna ng malaking prehuwisyo si Uson bago kumilos?

Alam natin na wala sa bokabularyo nina Andanar, Uson at Generoso ang salitang deli­ca­deza kaya’t wala tayong inaasahang may magbibitiw sa kanila na pawang kapit-tuko sa pu­westo, kahit pag-untogin pa ni Pres. Digong at ni SAP Bong Go ang kanilang mga ulo.

READ MORE:  5 creed ng AFP honor, loyalty, valor, duty & solidarity

Kaya’t iisa lang ang tanong nang lahat, sisibakin ba sina Andanar, Uson at Generoso?

 

P100-M PINAG-AAWAYANG

PONDO SA INFO DRIVE

PARA SA FEDERALISMO

HINDI tayo naniniwala na may ibang makapag­papaliwanag sa pagbabago ng Saligang Batas tun­go sa Federalismo kung ‘di ang mga mismong may akda ng panukala.

Kahit ang DILG ay walang karapatang pamu­nuan ang kampanya kung hindi kasama ang mga miyembro ng Con-com na silang dapat magpa­liwanag sa mga babaguhing probisyon na sila rin ang may panukala.

Hindi pa man ay pinag-aawayan na nga ang P100 milyones na inilaang budget para sa information campaign ng Federalismo na delika­dong mapagsamantalahan lang ‘pag nagkataon.

Santisima!

KALAMPAG
ni Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved