Categories: Opinion

Itutumba sina Satur, Liza, Teddy at Paeng?

HINDI malayong maganap ang aking pina­nga­ngambahan na tuluyang itumba ang apat na maka­kaliwang lider na sina Satur Ocampo, Liza Maza, Teddy Casino at Rafael “Paeng” Mariano sakaling matunton sila ng mga tiwaling kagawad ng PNP sa kanilang pinatataguang safehouse.

Ilang kaso na ba kasi ang sinasabing nan­laban kaya sapilitang nababaril ng mga pulis ang isang suspek?  O kaya naman ay nang-agaw daw ng baril kaya pinaputukan o ‘di naman kaya ay nakipagbarilan kaya niratrat ng mga pulis?

Nakababahala ang kalagayan ngayon nina Satur, Liza Teddy at Paeng. Ito kasi ang panahon na higit na mabalasik ang mga sunod-sunod na pangyayaring salvaging o tinatawag ngayong extrajudicial killing.

At bakit ba kaagad nagpatawag ng press conference si PNP Chief Oscar Albayalde mata­pos pumutok ang balitang may warrant of arrest na inilabas ang korte laban sa apat na mili­tanteng lider? Para bang mayroong pagbabanta itong si Albayalde nang sabihing kailangang sumuko na sina Satur, Liza, Teddy at Paeng bago pa sila matunton ng mga pulis at maaresto.

Sa presscon ni Albayalde, para bang alam na niya na hindi susuko ang apat sa kabila ng ilang araw pa lamang naman natatanggap ng kampo nina Satur ang warrant of arrest dahil sa kasong murder na inisyu laban sa kanila. Sir Tsip, ‘wag n’yo naman unahan ang mga pang­yayari, hane?

At ang higit na nakabibigla ang pag-aalok ng P1 mil­yong  reward money ng grupo ni Ferdinand Topacio para mahuli ang apat na lider ng makakaliwang grupo. Lumalabas tuloy na parang hardened criminals sila sa ginawang aksiyon ni Topacio.

Sa pag-aalok ng P1 milyong reward money, higit na nalalagay ngayon sa panganib ang buhay ng apat na akusado. Tiyak na kikilos nang palihim ang “bounty hunters” para makuha nila ang perang pabuya kapalit ng ulo nina Satur, Liza, Teddy at Paeng.

Walang paglagyan ngayon ang apat. Bi­lang kilalang mga leftist leader, wala rin silang masasabing bargaining chip na maaaring gamitin dahil ibinasura na rin ang peace talks sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, galit si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga makakaliwang grupo at masasabing hindi ito paborable sa kasalukyang sitwasyon ng apat na makakaliwang lider na ngayon ay pawang mga pugante ng batas.

Kaya nga, kailangang maghinay-hinay at mag-ingat nang husto sa kanilang seguridad sina Satur, Liza, Teddy at Paeng. Hindi malayong isang araw makita na lamang na duguan ang ka­ni­lang mga katawan, katabi ang mga ka­lawanging baril na revolver gawa sa Danao.

SIPAT
ni Mat Vicencio

COMMENTS
Mat Vicencio

Share
Published by
Mat Vicencio

Recent Posts

Palakpakan sa gera vs droga

KUNG mayroong isang bagay na labis na ikinatutuwa ng mamamayan, at ikinaiinis naman ng oposisyon, ito ay walang iba kundi…

18 hours ago

“The Story of My Life…”

ESSAY type writing and the likes, ang masasabi kong isa sa pinakaayaw ng aking baby, Alberta Kristea (aka Tea), 11-anyos,…

18 hours ago

Problemang paradahan

HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang laba­nan ang trapiko, mapa­luwag ang mga lan­sangan at maalis ang mga…

18 hours ago

Alamin ang Anakalusugan

MAYROON itong isang grupo na nagbubuklod upang tahakin ang landas ng pagtulong sa kapwa Filipino lalo ang mga kapos-palad nating…

18 hours ago

Intelligence gathering pinaigting ng NBI

LALO pang pinaigting ni NBI Deputy Director for Intel CPA Eric Distor ang programa niya laban sa kriminalidad matapos aprobahan…

18 hours ago

Suking-suki ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely, Sumainyo ang pagpapala ni Lord sampu ng buo ninyong pamilya. Ako po Sis, si Sister Petra E.…

18 hours ago