Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas
Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas

Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas

READ: Quezon City, all out ang suporta sa Pista ng Pelikulang Pilipino
READ: Pista at the Park Grand Fans Day and All Star Caravan

KITANG-KITA ang pagmamahal ni Hiro Nishiuchi sa Pilipinas mula sa naging pagdalaw niya noong 2014 dahil pinag-usapan ang mga naging pagbiyahe niya sa ilang magagandang lugar sa bansa.

Si Hiro ay isang aktres at modelo at nagwagi bilang Miss Japan-Universe first runner-up noong 2014. Mahilig din siyang mag-travel, katunayan, nakapunta na siya sa may 30 iba’t ibang bansa at nakagawa ng libro ukol sa mga ito. Hilig din niyang mag-scuba diving kaya naman kumuha na rin siya ng sariling lisensiya nito.

READ MORE:  Nadine, okey lang magka-baby kahit maganda ang career sa Dos

Kinuha ng Department of Tourism si Hiro para maging parte ng promotional activity ng bansa noong 2014. Nabisita niya agad ang Manila, Cebu, Bohol, Coron, at Iloilo. Sa pagbisitang ito, hindi itinago ng dating beauty queen na hindi lamang sa magagandang tanawin na-inlove kundi maging sa kabutihan at kagandahang ugali ng mga Pinoy.

READ MORE:  Sam, never iiwan at aalis sa Dos!

Aniya, hindi niya makalilimutan ang pagiging hospitable ng mga nakilala niyang Pinoy. Ang karanasang ito’y madalas ikuwento ni Hiro sa mga Hapon. Kaya naman noong June 25, 2018, itinalaga siyang Philippine Tourism Fun Ambassador.

At simula nang ibigay ang titulong ito sa kanya, sinimulan na rin ni Hiro na buuin ang kanyang advocacy. Ang kanyang goal ay, “Promote Fun in the Philippines through InternationalConversations,” na layunin niyang himukin at ituro sa mga taong nakikilala niya all over the world ukol sa ganda ng isang bansang binigyan siya ng pagkakataon para irepresent.

READ MORE:  Kalamnan ng mga beki, nanginig: Daniel, Derrick at Tom, may pabukol

Sa kasalukyan, inamin ni Hiro na wala png nagpapatibok ng kanyang puso kaya bukas siya sa posibilidad ba magkaroon ng karelasyong Pinoy.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved