Categories: Sports

Gin Kings hari ulit ng Commissioners’s Cup

Share

MAKALIPAS ang 21 taon ay hari na ulit, sa wakas, ng PBA Commissioner’s Cup ang Barangay Ginebra.

Ito ay matapos sibakin ng Gin Kings ang nagdedede­pensang kampeon na San Miguel Beermen sa Game 6, 93-77, para sa kampeonato ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa harap ng 20,490 fans sa Mall of Asia Arena, Pasay City kama­kalawa.

Naiiwan pa sa 35-38 pagka­tapos ng first half, sumakay ang Gin Kings sa malaking 27-8 ratsada sa third quarter upang makapagtayo ng 62-46 abante papasok sa huling kanto.

Hindi na bumitaw pa sa manibela ang crowd darling na Barangay Ginebra buhat noon tungo sa unang Commissioner’s Cup championship simula noong 1997.

Siyang pinarangalang Best Import ngayong conference, trinangkuhan ni Justin Brownlee ang atake ng Gin Kings sa likod ng kanyang kompletong 31 puntos, 19 rebounds, 7 assists, 2 steals at 4 blocks.

Sumuporta sa kanya ang hinirang na Finals Most Valuable Player na si Scottie Thompson sa inilista nitong 12 puntos, 13 rebounds at limang assists habang may 13 at 11 puntos din sina Joe Devance at LA sa ibinuhos na 13 at 11 pun­tos, ayon sa pagkaka­sunod.

Ito na ang ikatlong kam­peonato ng Gin Kings sa loob ng tatlong taon buhat nang maging coach ang pinakamatagumpay na mentor sa kasaysayan na si Tim Cone.

Si Cone, sa kabilang banda, ay sinikwat ang kanyang ika-21 na titulo buhat sa kanyang 29-taong karera sa PBA.

Naging coach din si Cone ng Alaska at Purefoods kung saan siya nagwagi ng tig-isang grand­slam.

Bunsod nito, ang Ginebra ang kauna-unahang koponan na nakatalo sa San Miguel sa nakalipas na tatlong taon at kalahati.

Magugunitang simula nang hawakan ni head coach Leo Austria noong 2014 ay hindi pa natalo ang Beermen sa unang six Finals series nito upang maka­pagtayo ng dinastiya sa PBA bago malasap ang masakit na unang kabiguan ngayon sa kamay ng determinadong Gin Kings.

Nauwi sa wala ang 29 at 24 puntos nina Best Player of the Conference June Mar Fajardo at import na si Renaldo Balkman para sa Beermen.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS
John Bryan Ulanday

Published by
John Bryan Ulanday

Recent Posts

Kris, na-inspire kay Ellen DeGeneres

NA-INSPIRE si Kris Aquino sa American TV host na si Ellen Degeneres sa ginagawa nitong pamimigay ng regalo sa 12 days of Christmas Giveaways sa programa… Read More

1 day ago

Martin at Gary, inisnab ng audience; Vice at Coco, tinilian, pinagkaguluhan

NALUNGKOT kami para kina Martin Nievera at Gary Valenciano dahil nang una silang tawagin para sa production number nila sa nakaraang Family is Love:  The… Read More

1 day ago

Vice Ganda tiwala sa kanyang MMFF entry na “Fantastica”

MAS tripleng nakatatawa raw ang MMFF entry ngayong taon ni Vice Ganda na “Fantastica,” produced pa rin siyempre ng Star… Read More

1 day ago

Dovie San Andres, gustong makasama sa movie ang idol at kaibigang si Rez Cortez

TOUCHED ang controversial personality sa social media na si Dovie San Andres at hanggang ngayon ay nakasuporta sa kaniya ang… Read More

1 day ago

Filmmaker Direk Reyno Oposa, lalagari sa paggawa ng movie ngayong 2019

NEXT year, 2019 ay mas magiging in-demand si Direk Reyno Oposa sa paggawa ng pelikula at lalong na-inspired ang Toronto… Read More

1 day ago

Coco at Maine, di puwedeng i-link dahil magkamag-anak

HINDI bagay na i-link sina Maine Mendoza at Coco Martin, dahil magkamag-anak pala ang dalawa sa bida ng pelikulang ‘Jack… Read More

1 day ago