Categories: Hataw Lifestyle

1 Agosto 1898 kasarinlang kinikilala ng Bacoor City

SA masusing pagsasaliksik sa kasaysayan ng bansa, lumitaw na ang 1 Agosto ang totoong Araw ng Kasarinlan na naganap sa Bacoor, Cavite noong 1898.

Ang naturang bagong deklarasyon ay niratipikahan ng 190 municipal presidents mula sa 16 probinsiya na kon­trolado ng rebolu­syunaryong hukbo ng nasabing petsa na nagbabasura sa proklamasyon ng 12 Hunyo 1898 ni isinulat ni Ambrosio R. Bautista.

Pinatutunayan sa research, na walang pirma ang noo’y Unang Pangulo, Heneral Emilio Aguinaldo, sa pro­klamasyon ng 12 Hunyo bilang kasarinlan ng bansa bagkus itinuloy ang seremonya sa pagtataas ng watawat sa Kawit, Cavite, sa kabila na may mga digmaan pang nagaga­nap sa pagitan ng mga Espanyol.

Mismong si Aguinaldo ang nag-utos kay Apolinario Mabi­ni na gawin ang bagong Acta de la Proclamation de la Indepen­dencia del Pueblo na nagba­basura sa proklamasyon ng 12 Hunyo.

Sinabi ni Bacoor city mayor Lani Mercado-Revilla sa publiko na hindi nila  layuning litohin ang mga tao kundi kilalanin ang 1 Agosto bilang kasarinlan ng bansa at maidagdag sa kasay­sayan ng Filipinas na aniya’y totoo at mahalagang nangyari.

Inilunsad ng lokal na pa­mahalaan ang aklat na “Proclamation, Philippine Independence: The Truth About August 1, 1898  Bacoor Assembly” at ang documentary film, Agosto Uno: Kasaysayang Nakalimutan.”

Umabot sa 1,000 libro nito ang ipinamahagi nang libre sa mga estudyante sa pampu­blikong paaralan ng lungsod at umarangkada na rin ang presentasyon ng docu film sa mga pribadong eskuwelahan upang ikalat ang nasabing nakalimutang kasaysayan.

Pinag-aaralan na ang paglikha ng Tagalog version ng aklat upang lalong maintin­dihan ng publiko ang nilala­man nito.

Noong 2017, sinimulan ng Bacoor government ang sele­brasyon ng Agosto 1 bilang araw ng kasarinlan sa bansa.

“This piece of history has been set aside and forgotten, which is unfortunate as it plays a significant part in the birth of our nation. We hope to shed light on this legacy, and honor it not just as Bacooreños, but more importantly, as Filipinos,” ayon sa alkalde.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS
Jaja Garcia

Share
Published by
Jaja Garcia

Recent Posts

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos…

14 hours ago

Racasa sasabak sa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang…

15 hours ago

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa…

15 hours ago

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig. Ayon kay Davao…

15 hours ago

Magulang sinaksak ng anak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa…

15 hours ago

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad…

15 hours ago