Categories: News

P4.3-B shabu nasabat sa Manila Port

READ: 3 patay, 26 tiklo sa shabu tiangge sa Bacoor
READ: P1.4-M droga nakompiska sa Bacolod

PORMAL na isinumite ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña kay PDEA Director General Aaron Aquino ang 500 kilo ng shabu, tinatayang P4.3 bilyon ang halaga, na nakalagay sa dalawang magnetic lifter mula sa bansang Malaysia, makaraan masabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs Manila International Container Port (MICP) District Collector Atty. Vener Baquiran dahil sa misdeclaration ng shipment. (BONG SON)

NASABAT ng mga aw­toridad ang nasa P4.3 bilyong halaga ng shabu sa Manila International Container Port, nitong Martes.

Nadiskobre ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bu­reau of Customs (BOC) ang nasa 500 kilong shabu na nakatago sa mga magnetic lifter sa loob ng mga container.

“Sinubukan namin ang K9 dito unfortunately hindi kaya kaya ang ginawa binutasan para mabuksan. Noong na­buk­san na, we had the K9 again and positive nag-react ‘yung K9 dogs,” ani PDEA Director General Aaron Aquino.

Ayon sa PDEA, 2 Hulyo pa lang ay may impormasyon na sila tungkol sa mga karga­mentong may laman na shabu na nakapasok sa Filipinas.

Nakipag-coordinate sila sa BOC na nakatan­g-gap din ng tip.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, dumating ang mga container mula Ma­lay­sia noong 28 Hunyo, pero walang nag-claim kaya inilabas ng port collector ang notice of abandonment.

“If the shipment is abandoned, it is due for opening. We received that information from PDEA that a certain shipment contains illegal drugs shipment. When we opened it, ito ‘yung naki­tang laman,” aniya.

Nakadeklara na door frame ang laman ng mga container para sa Vecaba Trading na hindi accre­dited ng BOC.

May mga inimbitahan din na chemists para suriin ang mga shabu.

Kinompirma ng PDEA na konektado ang mga droga sa isang gru­pong pitong taon na nilang tinutunton.

“We know that Ma­lay­sia is also a tranship­ment country just like the Philippines. Idinadaan muna sa Malaysia,” dagdag ni Aquino.

Samantala, limang container ng bulok at nangangamoy nang karne ng manok ang naka­takdang ibaon sa lupa ng BOC.

Ayon sa BOC, 2014 nang dumating sa bansa ang mga karne mula USA na P7.5 milyon ang hala­ga, ngunit wala umanong maipakitang permit ng Bureau of Animal In­dustry.

“It imposes hazard or danger to health. It can’t be released because again it was imported without the permit of the Bureau of Animal Industry,” ani Atty. Gerald Turiano, supervising customs operation officer ng BOC.

Dadalhin sa Cavite ang mga karne para ibaon sa lupa. Ngunit bago ito, nilagyan ng mga kemikal ang bulok na karne para mabawasan ang masang­sang na amoy.

Sinira rin kahapon ang P250,000 halaga ng mga abandonadong ukay-ukay mula sa port of Subic.

COMMENTS
hataw tabloid

View Comments

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Kaanak ng mangingisdang Navoteño may scholarship

PINIRMAHAN ni Na­votas City Mayor John Rey Tiangco ang isang memo­randum of agree­ment (MOA) kasama ang mga benepisaryo ng Navo­taAs…

2 hours ago

Ginang tigbak sa saksak (‘Di nagpautang ng alak)

PATAY ang isang ginang makaraan pagsa­sak­sakin ng isang lasing na lalaki na hindi niya pinautang ng alak sa Meycauayan, Bulacan,…

2 hours ago

Malacañang employee timbog sa ‘sextortion’

ARESTADO ang isang empleyado ng Mala­cañang Palace  sa iki­nasang entrapment ope­ra­tion ng mga awtoridad makaraan pagbantaan ang dating girlfriend na…

2 hours ago

Kamara susunod sa hatol ng Sandiganbayan — solon

TATALIMA ang Kamara sa pasya ng Sandi­gan­bayan patungkol sa hatol nito kay dating First Lady at ngayon ay Leyte Rep.…

2 hours ago

Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

ARESTADO sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang aktres at kome­dyanteng si Keanna Reeves dahil sa…

2 hours ago

Desisyon ng SC sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo iaapela

WALANG naganap na public hearing at hindi rin kinonsulta ng korte ang mga grupong eks­perto sa wikang Fili­pino. ‘Yan ang…

2 hours ago