Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 patay, 26 tiklo sa shabu tiangge sa Bacoor
3 patay, 26 tiklo sa shabu tiangge sa Bacoor

3 patay, 26 tiklo sa shabu tiangge sa Bacoor

READ: P4.3-B shabu nasabat sa Manila Port
READ: P1.4-M droga nakompiska sa Bacolod

CAVITE – Tatlong hini­hinalang tulak ng ilegal na droga ang namatay ha­bang arestado ang 26 iba pa makaraan salakayin ng mga awtoridad ang isa umanong shabu tiangge sa Bacoor City, Cavite ni­tong Martes.

READ MORE:  Napoles tumatagal sa ospital (Operasyon binibinbin?)

Kabilang sa napatay sina Harries Iso at Diowie Concepcion habang inaa­lam ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Naaktohan ng mga pulis ang 26 katao ha­bang bumabatak ng ilegal na droga.

Narekober ng pulisya ang pake-paketeng hini­hilang shabu na tinata­yang P1 milyon ang halaga. Isinilid ito sa mga canister na itinapon sa dagat.

READ MORE:  HR chief Gascon, shabu gustong gawing legal (Gaya ni Leni at matapos maging bisita si Callamard)

Nakuha rin sa lugar ang dalawang kalibre .45, dalawang  kalibre .38 at isang kalibre .22 pistol.

Isinagawa ang ope­rasyon sa bisa ng search warrant makaraan ma­kom­pirma ng mga pulis na ginagawang shabu tiangge ang mga bahay.

“Base doon sa surveillance na nakuha natin, may napansin po kasi tayo roon na kakaiba. Dahil ‘yung isang bahay doon puno agad ng tao kung saan gumagamit,” ani Supt. Vicente Caba­tingan, hepe ng Bacoor City police.

READ MORE:  Lolo kalaboso

Inaalam ng mga pulis kung sino ang supplier ng ilegal na droga.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved