Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Taong bayan ‘wag linlangin — ex-Gov. Umali

Taong bayan ‘wag linlangin — ex-Gov. Umali

NANAWAGAN si dating Nueva Ecija Governor Aurelio “Oyie” Umali sa mga kritiko na huwag iligaw at linlangin ang isip ng kanyang mga kalalawigan para lamang maisulong ang mga pansariling interes.

Reaksiyon ito ni Uma­li sa sunod-sunod na atake sa kanyang pamil­ya sa media kaugnay sa isyu ng Priority Develop­ment Assistance Fund (PDAF).

Ayon sa dating go­bernador, wala pa silang natatanggap na desisyon ng Office of the Ombuds­man hinggil sa sinasabing pagkakabasura sa kan­yang motion for recon­sideration.

“Hindi po natin alam kung saan nila nakuha ‘yung kanilang interpre­tasyon na bawal na raw tayong tumakbo sa ano­mang elective position. Well, this is absolutely politics clearly designed to condition the minds of my beloved Novo Ecija­nos. This is a reflection of their desperation, nagma­madali sila nang wala sa katuwiran para mapa­ngunahan ang hatol ng bayan,” wika ni Umali.

READ MORE:  Libreng dengue vaccine ipatutupad sa Caloocan

Iginiit ng 3-term govern­or na asawa ng kasalukuyang goberna­dora ng Nueva Ecija na si Gov. Cherry Umali, na dugo at pawis ang ipinu­hunan ng kanyang pamil­ya at supporters para mabigyan ng totoong pagbabago ang Nueva Ecija.

“Its too early para mamolitika. Dapat sana ay nagseserbisyo sila hindi puro dakdak, sayang ang pera ng taong bayan na ginagamit nila sa paninira ng kapwa,” giit ng dating gobernador.

Nagmimistula ani­yang ‘grade school’ ang argumento ng kanyang mga kalaban sa politika dahil sa pagpapalabas ng mga moro-morong balita.

READ MORE:  11 katao patay sa HIV/AIDS sa Region 6

“Huwag n’yo naman gawing ignorante sa batas ang taong bayan,” ani Umali.

Samantala, nanini­wala ang dating gober­nador na reversal order ang ilalabas na desisyon ng Office of the Ombuds­man dahil malinaw na pamomolitika at ‘sour­graping’ lamang ang motibo ng isinampang kaso laban sa kanya noong 2008.

Binabalikan umano siya ng mga kalaban sa politika lalo na ang com­plainant na si dating vice governor Edward Joson na tinalo niya sa pagka-gobernador noong 2010 elections.

Katunayan aniya, halos 40 kaso na ang isinampa ng mga Joson at pamilya Vergara laban sa kanya, ngunit sa huli’y naibabasura lamang.

“Hanggang ngayon wala silang tigil sa pamo­molitika sa atin. Gagawin nila ang lahat ng paraan para dungisan ang ha­ngarin nating mag­ser­bisyo nang tapat sa ating mga kalala­wigan,” paha­yag ni Umali.

READ MORE:  Aquino humarap sa Dengvaxia probe sa senado (Pagbili ng Dengvaxia idinepensa)

Sa kabila nito iginiit ng dating gobernador na hindi siya aatras sa laban at lalong hindi isusuko ang pangarap ng mga Novo Ecijano na manatili ang matapat at matinong serbisyo sa tao.

“Malinaw naman po ang atake ng mga kala­ban natin sa politika para pabagsakin ang ating hangarin na bigyan ng bago at alternatibong serbisyo-publiko ang ating mamamayan. Ba­gay po na hindi natin pu­wedeng payagan. Tuloy ang ating pagse­serbisyo at tuloy ang serbisyong matapat para sa aking kalalawigan,” pagtata­pos ni Umali.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved