Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo at Arci, mabibigyan ng second chance sa pagtatapos ng “Since I Found You”
Piolo at Arci, mabibigyan ng second chance sa pagtatapos ng “Since I Found You”

Piolo at Arci, mabibigyan ng second chance sa pagtatapos ng “Since I Found You”

PATUNAY sina Dani (Arci Munoz) at Nathan (Piolo Pascual) na walang pagsubok ang makapipigil sa dalawang taong nagmamahalan ngayong nakatakda nang maganap ang inaabangan nilang pag-iisang dibdib sa huling linggo ng “Since I Found You.”

Isang matamis na kuwento ng pangalawang pagkakataon ang pagmamahalan nina Nathan at Dani dahil sa kabila ng mga unos nilang pinagdaanan, humantong pa rin ang dalawa sa altar. Matinding pagsubok ang dumagok sa dalawa sa sunod-sunod na problemang dinala ng pagkalugi ng kompanya ni Nathan, na kalaunan ay naging dahilan din ng kanilang hiwalayan. Lalo pang nasira ang kanilang relasyon nang subuking agawin ni Ginno (JC De Vera) si Dani, habang unti-unti namang nawawala kay Nathan ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

READ MORE:  Sarah, nagiging daring na sa pananamit! (Matteo at Sarah, okey na raw?)

Hindi man agad-agad ang kanilang naging pagbabalikan, siniguro naman ni Nathan na muli niyang mapupukaw si Dani at hindi na muli pang pakakawalan. Mas tumindi rin ang suporta sa kanila ng kanilang pamilya at naniwala na pangwalang-hanggan ang kanilang pag-ibig.

Bukod naman sa second chance ng pagma­mahalan ng dalawa, panibagong pagkakataon din ang ibibigay sa ina ni Nathan na si Elvie (Charo Santos) ngayong si Dani na mismo ang kusang gagawa ng paraan upang masiguro ang pagkakaayos ng mag-ina.

Oportunidad naman para umibig muli ang patuloy na hinahanap ni Janice (Alessandra De Rossi) ngayong unti-unti na siyang nahuhulog sa manliligaw niyang si James (Empoy).

READ MORE:  Sikreto ng tagumpay ni Teacher Georcelle, inilahad sa The Force Within

Samantala, bagong pag-asa rin ang makukuha ni Ginno dahil matapos ang aksidenteng halos kumitil sa kanya mahahanap pa rin ni Nathan sa puso niya ang pagpapatawad sa pagbabayad ni­ya ng pampaospital ng karibal sa kabila ng kanilang hidwaan.

Sa pagtatapos ng kanilang kuwento, ang pani­bagong pagkakataon nga kaya sa kanilang mga buhay ang magbibigay ng katahimikan at ligaya sa kanilang lahat? Habang papalapit na ang pagwawakas ng serye, hindi pa rin bumibitiw ang mga manonood sa kuiwento ng “Since I Found You.”

READ MORE:  “A Second Chance” movie nina John Lloyd at Bea certified blockbuster agad sa loob ng dalawang araw (Pelikula puring-puri ng mga director)

Noong Biyernes (3 Agosto), humataw ang serye sa national TV rating na 19%, kompara sa 14.8% ng “Inday Will Always Love You,” ayon sa datos ng Kantar Media. Kasama rin sa “Since I Found You” sina Michael de Mesa, Carmi Martin, Joey Marquez, John Lapus, Moi Marcampo, Isabel Oli-Prats, Kate Alejandrino, Vivoree Esclito, Benj Manalo, Joel Saracho, and Cholo Barretto. Tutukan ang pagtatapos ng “Since I Found You” gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved