Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa adbokasiya ng gov’t: Paggamit sa katawan ng babae hahayaan ng Palasyo
Sa adbokasiya ng gov’t: Paggamit sa katawan ng babae hahayaan ng Palasyo

Sa adbokasiya ng gov’t: Paggamit sa katawan ng babae hahayaan ng Palasyo

HINDI aawatin ng Palasyo ang paggamit sa katawan ng babae para ilako ang adbokasiya ng pamahalaan tulad ng kontrobersiyal na ”pepe-dede ralismo” video ni Communications As­sistant Secretary Mocha Uson at Diehard Duterte Supporter (DDS) blogger Drew Olivar.

“Sabihin na lang po natin kaniya-kaniyang estilo iyan; pero kung ako po ang magdi-dis­se­minate, iba po ang pama­maraan na gagamitin ko,” tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque nang usisain ng media kung hindi dapat gamitin ang katawan ng babae para isulong ang adbo­kasiya ng gobyerno.

READ MORE:  Memo ng PCOO babala sa mga aksiyong pasaway ng kanilang mga opisyal

Iniwasan ni Roque na direktang sagutin ang panawagan ni Gabriel Party-list Rep. Arlene Brosas na dapat burahin ni Uson ang video, humi­ngi ng paumanhin at kumilos ayon sa itinatak­da ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Magna Carta of Women.

READ MORE:  Mocha, ‘di pa tapos sa ‘pepe-dede-ralismo’

“Well, sa akin po kasi wala po akong hurisdik­syon kay Asec. Mocha ‘no. I am not her superior in government and I come from a completely dif­ferent department from her ‘no. So I leave it to her and I leave it to her Boss – Secretary Martin Anda­nar,” sabi ni Roque.

READ MORE:  PCOO allergic na kay Mocha

Giit ni Roque, lahat ng opisyal ng gobyerno ay nanumpa na susundin ang lahat ng batas.

“I think all public officials took an oath to uphold all laws and there­fore it’s incumbent upon all public officials to in fact abide with all existing laws,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved