Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P100-M dagdag budget ng PCOO kinuwestiyon
P100-M dagdag budget ng PCOO kinuwestiyon

P100-M dagdag budget ng PCOO kinuwestiyon

KINUWESTIYON ni Senadora Grace Poe ang pagtapyas sa 2019 national budget sa mga mahalagang ahensiya ng gobyerno habang dinag­dagan ng P100 milyon ang budget para sa Presidential Commu­nications Operations Office (PCOO).

Reaksiyon ito ni Poe dahil maraming ahensi­ya ang magkakaroon ng malaking bawas sa kani­lang budget sa panu­kalang appropriation para sa 2019.

READ MORE:  P6-M shabu nasabat sa Cebu

Mababawasan ng budget ang DA (mula P61 bilyon patungong P55 bilyon); DSWD (mula P141.8 bilyon patungong P136.6 bilyon); DepEd (mula P553 bilyon patu­ngong P498 bilyon); at DOH (mula P107 bilyon patungong P71 bilyon).

Ayon kay Poe, dapat kuwestiyonin ito sa budget hearing dahil kung kailan sa panahong tu­ma­taas ang insidente ng gutom at ang presyo ng pagkain doon pa tata­pyasan ang budget ng mahahalagang ahensiya ng pamahalaan.

READ MORE:  Drew Olivar numero unong ‘destabilizer’ ni Tatay Digong

Nais din ng senadora na ipaliwanag ng PCOO ang karagdagang P100 milyon budget nito.

Hangad malaman ni Poe kung ano ang mai­tu­tulong ng karag­da­gang budget sa PCOO sa sikmura ng mga kaba­bayan. Desmayado si Poe dahil kasabay nang pagpapatupad ng TRAIN law para mabig­yan ng sapat na pondo ang mga pangunahing serbisyo sa mamamayan ay tinapyasan ng pondo ang mga ahensiya na pangunahing nagseser­bisyo sa mahihirap na kababayan.

READ MORE:  2 katao tumilapon, pagbagsak nasagasaan ng truck tigbak (Motorsiklo sumalpok sa Pajero)

ni CYNTHIA MARTIN

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved