Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Di matatakasang inflation tunay na isyung dapat harapin ng PH
‘Di matatakasang inflation tunay na isyung dapat harapin ng PH

‘Di matatakasang inflation tunay na isyung dapat harapin ng PH

READ: Online scam sa credit card mag-ingat

HULYO pa lamang pero dumausdos na sa 5.5 percent ang inflation rate.

Panahon na siguro para tantanan ng ilang mga propagandista ng kasalukuyang adminsitrasyon ang ginagawa nilang panliligaw sa mga tunay na isyung kinakaharap ng sambayanan.

Habang mainit na pinagkakaguluhan at pinagdedebatehan ang ‘pepe-dede’ na estratehiya ni Assistant Secretary Mocha Uson para pag-usapan ang federalismo, tuloy rin ang pagdausdos ng kabuhayan ng maraming Pinoy.

READ MORE:  Bushfires sa Sta. Rosa, Laguna pinababayaan na ng realtor binabalewala pa ng local gov’t!

Ilang mga business observers ang nagsabi na dapat nang konsultahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang economic managers dahil sa mga susunod na araw ay posibleng tumaas pa ang inflation rate.

Ramdam na ramdam ng maraming Filipino ang epekto ng TRAIN Law. Kahit ang mga taga-Pier ay nagsasabing posibleng tanggalin ang taripa na magbubunsod ng lalong pagtaas ng inflation lalo ngayong papasok na ang Ber months.

READ MORE:  MIAA employees nganga sa CNA incentives ng DBM

Sabi nga ng ating mga sources, hindi ang federalism o charter change ang sagot laban sa kahirapan. Wala itong babaguhing sistema ng pamumuhay ng maliliit nating kababayan.

Anila, ang Federalismo o Charter change ay isang estratehiya upang manatili sa poder ang mga pirming takaw na takaw at mga naglalaway sa puwesto. Kaya klaro na hind ito solusyon laban sa kahirapan at hindi mapigilang pagtaas ng inflation rate.

READ MORE:  Valdez, La Viña sibak sa SSS

Kaya payo lang po… huwag magpabola sa mga mahilig mang-uto.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved