Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Taping ni Nora Aunor, ‘di puwedeng magdamagan
Taping ni Nora Aunor, ‘di puwedeng magdamagan

Taping ni Nora Aunor, ‘di puwedeng magdamagan

READ: Alden, may ibubuga sa aksiyon
READ: Empoy, muling sumemplang

MARAMING humahanga  sa Kapuso Network kung paano nakumbinsi si Nora Aunor na gumawa ng teleserye sa kanila, ang Onanay.

Marami kasing malalaking artista ang asiwa pang magteleserye dahil hindi makayanan ang sobrang puyatan at trabaho.

Minsan kasi’y 5:00 a.m. ang start ng taping hanggang kinabukasan pa matatapos.

READ MORE:  Wig ni Nora, agaw pansin

Pero ang dinig namin, may takdang oras pala o schedule ang taping ni Nora. Hindi puwedeng magdamagan.

Maganda ang casting ng Onanay dahil tampok si Cherie Gil at idinidirehe naman ni Gina Alajar.

Worth seeing dawn a serye ito, kuwento ng mga tagahanga ni Guy.

READ MORE:  Noranian, pumiyok sa joke ni Vice

Akma kasi ang role sa kanilang idolo.

Pero ang pinakamasuwerte ay si Jo Berry, baguhang binigyang pagkakataon para makasama ang mga bigating artista.

Kuwento ni Cherie, hindi kaya siya makarma sa sobrang panlalait kay Jo na asawa ng kanyang anak.

READ MORE:  Jo Berry, kinokontra si Nora

Maganda namang makapanood ng isang seryeng bukod sa bigatin ang mga artista ay hindi puro kabaklaan at pagpapatayan na lang ang tema.

Sa hirap ng buhay ngayon maganda namang makapanood ang masa ng hindi na kailangan pang magbayad sa sinehan.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved