Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Senado desmayado kay Mocha
Senado desmayado kay Mocha

Senado desmayado kay Mocha

READ: Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan

READ: Sa ‘pepe-dede ralismo’ video: Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo

NAGPAHAYAG ang mga senador ng kanilang pagkadesmaya kay Com­munications Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa lumabas na video sa social media na para magpakalat ng impor­masyon tungkol sa isinus­u­long na federalismo ng pamahalaan.

Makaraan sabihin ni Senador Panfilo Lacson noong nakaraang linggo na hinihintay na lang ang ‘cremation’ ng Charter change at federalismo sa Senado,  sinabi niya nitong Lunes na dapat ita­pon sa malayo ang ‘abo’ nito dahil kay Uson.

“Without Mocha Uson, federalism is    already dead and awaiting cremation at the Senate. With Mocha Uson, the ashes should be thrown far, far away from the Philippines’ 7,107 beauti­ful islands,” saad ng senador sa text message.

READ MORE:  Leila, lover, Baraan, Espino pasok sa matrix

Habang tinawag ni Sen. Francis Escudero na bastos ang naturang video na desperadong makak­u-ha umano ng atensiyon.

“It is downright vulgar and has no place in the public discourse on such an important issue as THEIR proposed shift to federalism & Charter change!” pahayag niya.

Insulto umano sa publiko ang laman ng video, ayon kay Sen. Joel Villanueva.

“This is not the kind of public information materials we expect from a government agency and a government official. She is way out of her league to discuss federalism,” aniya.

Habang umaasa si Sen. Joseph Victor Ejercito na hindi na mauulit ang naturang video.

Ayon kay Senate Mi-n­ority Leader Francis Pa-n­gi­linan, bastos at hindi serbisyo sa publiko ang gina­wa ni Uson at ka­sama niyang blogger na si Drew Olivar.

READ MORE:  Willie Revillame ipinaaaresto vs child abuse (Totoy tinuruan ng ‘macho dancing’)

“Kababuyan at kalas­w­aan ang tawag sa gina­gawa nila at hindi pu­blic service. Ang pam­babastos at pambababoy ng isang assistant secre­tary ay ‘di dapat pinal­alampas ng adminis­trasyon,” giit ni Pangil­inan.

Dapat din umanong magpaliwanag si Pre­sidential Commun­ica­tions Operations Office chief Martin Andanar sa naturang insidente dahil nasa ilalim ng kaniyang pamamahala si Uson.

“Dapat magpal­iwa­nag si Secretary Andanar sa mga kalaswaan at kababuyan na nangyayari sa kanyang tanggapan na ginagawa ng mga tauhan niya gamit ang pondo, oras at kagamitan ng gobyerno,” aniya.

Para kay Sen. Nancy Binay, hindi dapat ga­wing katatawan ang pagpa­paliwanag sa isyu ng federalismo.

“Sa totoo lang, even the most educated univer­sity professor finds feder­alism as a com­plicated subject. Nakalulungkot that the seriousness of the discourse has been downgraded to the lowest of forms,” paliwanag ng senador.

READ MORE:  Pulis todas, 5 pa sugatan sa shootout

“I can’t emphasize enough how important the messenger relays the message. With what we all saw in the video, I think we can all agree that the message and the mes­senger matter,” dagdag niya.

Maging sina Senate President Tito Sotto at dating Senate President Aquilino Pimentel III, ay hindi rin natuwa sa naturang video ni Uson.

“[T]heatrical techniques will not work to explain a very serious and high falluting issue such as Federalism!” anang lider ng Senado.

Sabi ni Pimentel, “Di ko lubos akalain na ba­babuyin pala nila ang kawsa ng Federalismo. Ilayo na si Mocha sa Fede­ralismo. Mag-aral muna siya nang mabuti. Mag-leave muna siya.”

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved