Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan
Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan

Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan

READ: Senado desmayado kay Mocha

READ: Sa ‘pepe-dede ralismo’ video: Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo

HINIKAYAT ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang Presidential Communications Opera­tions Office (PCOO) na aksiyonan ang malas­wang video ni Asec. Mo­cha Uson at ng kanyang co-host sa social media na tila binababoy ang Federa­lismo.

Sinabi ni Sotto, maaa­ri namang hindi na idaan sa biro o commercial ang pagpapaliwanag ng Fede­ralismo sa taong bayan.

Aniya, kung biro man iyon ni Mocha, hindi ito dapat na isinapubliko dahil hindi makatutulong sa information campaign ng gobyerno ukol sa pag­susulong ng Federalismo.

Aminado si Sotto na maging siya ay ilang oras na binabasa ang Con-Com report na isinumite sa Senado at ang briefing ng PDP-Laban kung ka­ya’t dapat seryosohin ito at hindi idaan sa biro na nakikita ng publiko.

Nauna rito, binatikos ng netizens ang kontro­bersiyal na video ni Asec Uson makaraan idaan sa malaswang kanta at sa­yaw ang Federalismo.

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved