Categories: Opinion

Nahihibang na si Mocha

HINDI biro ang isyu ng federalismo. Ang kailangan ng ta­ong­ bayan ay matinong information campaign sa kung ano ba talaga ang kahulugan nito at anong kapa­kina­bangan nito sa mamamayan. Dapat din nating malaman kung ano-ano rin ba ang mga isyung kahaharapin ng bansa kung sakaling tuluyan na nga tayong sumailalim sa bagong pormang ito ng pama­halaan o dapat bang manatili tayo sa kasalukuyang presidential form.

Nakasalalay rito ang kinabukasan ng Filipinas. Ito ang magiging saligan ng mamamayan sa usaping pang-ekonomiya at politika ng bansa. Kaya nga isang malaking kabastusan ang ginawang kampanya ni Communication Assistant Secretary Mocha Uson.

Marahil nga ay nakuha niya ang atensiyon ng marami dahil sa kontrobersiyal niyang blog. Pero para maipabatid ang tunay na kahulugan at makapagbahagi ng totooong kaalaman tung­kol sa federalismo ay sablay na sablay.

Kung inaakala niya na makukuha niya ang tiwala at suporta para isulong ang federalismo sa ginawa niyang pambababoy ay nagkakamali siya. Lalo lamang niyang inilayo ang mamamayan sa layunin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na mai­paalam sa bawat isa ang kahalagahan ng federalismo.

Sabagay, hindi nag-iisa si Mocha sa Gabinete ni Pangulong Duterte na nagkakalat. Marami silang gaya niya, at tiyak na magpapatuloy ang kanilang mga kabobohan.

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Wala sa poder namin ang magpatigil dahil lang sa ‘di magandang pagsasalarawan sa mga pulis — MTRCB Chair Arenas

IGINIIT kahapon ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas na wala sa poder nila ang…

16 hours ago

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

MAINIT na pinag-uusapan ang aksiyong-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi nagustuhan ng Philippine National Police Director General Oscar Albayalde ang…

16 hours ago

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Isa kami sa natuwa nang bilhin ng Globe Studios ang pelikulang Hintayan ng Langit na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre…

16 hours ago

Ronnie Liang, matatag pa rin sa loob ng 12 taon (Excited na sa collaboration nila ni Sarah)

HALIMAW kung ilarawan ni Ronnie Liang si Sarah Geronimo. Isa si Ronnie sa madalas kasama ni Sarah sa mga concert…

16 hours ago

Hintayan ng Langit nina Eddie at Gina, mapapanood na nationwide

NAGING usap-usapan at trending sa social media ang kakaibang konsepto ng Hintayan ng Langit na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at…

16 hours ago

Fall for Fashion, fashion show for a cause

INAANYAYAHAN ng Young Moda Fashion Collezione ang publiko sa gagawin nilang fashion show for a cause. Ito ay ang Fall…

16 hours ago