Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo
Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo

Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo

READ: Senado desmayado kay Mocha

READ: Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan

ITINATWA ni Com­mu­nications Secretary Martin Andanar  si Assistant Secretary Mocha Uson bilang propagandista, tatlong araw matapos siyang manawagan sa publiko na huwag mali­itin ang kakayahan ng dating sex guru bilang tagapaglako ng fede­ra­lismo sa masa.

Ang pag-iba ng ihip ng hangin ay nang maging viral sa social media ang kontrobersiyal na “pepe-dede ralismo video” ni Uson na umani ng batikos dahil sa kalaswaan.

READ MORE:  2 patay, mayor, 1 pa kritikal sa Strada vs shuttle bus (Driver ng Hanjin lasing)

Sinabi ni Communi­cations Secretary Martin Andanar, nagalit si Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea sa kumalat na video ni Mocha kasa­ma ang isang Drew Oli­var, na ginawang malas­wa at katatawanan ang federalismo.

“Si Ding ho talaga ang kumuha sa kaniya, hindi naman ako iyong nag-appoint kay Mocha na maging spokesman e. Kaya po ang sabi ko kay Ding, you have to dis­engage already kasi galit na sa ES. In fact, I think ES has already called him,” ani Andanar.

READ MORE:  2 tulak tigbak sa tandem

Si Ding Generoso ang tagapagsalita ng Consul­tative Committee na ku­mu­ha kay Uson upang tumulong sa pagpapa­laganap ng federalismo.

Bago naging viral ang video ni Uson ay kom­binsido pa si Andanar na maipapaliwanag ang isyu ng federalism kung pag-aaralan ito ng dating sex guru.

READ MORE:  Krista Miller absuwelto sa drug case (Pinalaya na!)

“Iyong kay Asec. Mo­cha po ay para mai-bridge lang po iyong com­munication gap between the Constitutional Com­mission at iyong masang Filipino. At sa palagay ko naman kung pag-aaralan ni Mocha itong power to the people, Bayanihan Federalism ay mai-ex­plain niya nang husto ito; hindi naman natin pu­wedeng ismolin o maliitin si Mocha Uson,” sabi ni Andanar noong bago lumabas ang “pepe-dede ralismo” video sa social media.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved