Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bentahan ng election data base matagal na — Sotto
Bentahan ng election data base matagal na — Sotto

Bentahan ng election data base matagal na — Sotto

AMINADO si Senate President Vicente Tito Sotto III na matagal nang nangyayari ang bentahan ng data base ng ilang tiwaling taga-Comelec at mga dealer, tulad nang ibinunyag sa Senate hearing ni Atty. Glenn Chong ng Tang­gulang Demokrasya.

Ayon kay Sotto, ma­ra­mi na rin ang nagbang­git sa kanya ng ganoong uri ng dayaan tulad sa Nueva Ecija at Iloilo na mismong mga dealer at tiwaling Comelec ang nag-aalok nito.

Kasabay nito, hinika­yat ni Sotto ang Comelec na imbestigahan ang pagbubunyag ni Chong.

Naniniwala si Sotto na dahil sa pagkakaroon ngayon ng DITC ay may­roon nang mag-o-oversee ng ginagawa sa compu­terization ng halalan.

Pagkakaalam ni Sotto, madalas na nang­yayari ang dayaan sa data base sa mga lokal na pamahalaan, katulad ng paglilipat sa ibang pre­sinto ng ilang botante na hindi boboto sa isang kandidato.

Kapag nagka­gano­on, hindi makikita ng botante ang pangalan niya sa inaasahang pre­sinto at hindi makabo­boto na papabor sa kala­bang kandidato ng isang kandidato na kumagat sa alok na bentahan ng data base. (C.  MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved